Share

Chapter 6

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-09 19:41:25

CHAPTER 6:

Nagising ako sa isang napakagandang --Teka? Kaninong kwarto ba to? At Ba't ako nandito?

Diba na kidnap ako kagabi at kadalasan dinadala ang mga kinidnap sa abandunadong building. Eh, ba't ako nandito sa magandang kwartong to?

"Gising ka na pala." Napabangon at napalingon ako dun sa nagsalita at isang lalaking nakasuit na nakaupo sa gilid ng kama.

Isa ba siya sa mga kumidnap sa akin?

"Nandito ka sa mansyon ni Boss. Ako ang nag-utos na ipakuha ka sa mga tauhan ko." Ipakuha? Eh, parang kidnap na rin yun.

"Teka, pinakuha o pinakidnap, alin man dun pareho lang yun atsaka ano bang kailangan niyo sa akin?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala kaming kailangan sayo kundi ikaw ang may kailangan sa'min." Ano bang pinagsasabi ng lalaking to? Ako? May kailangan sa kanila? Ni hindi ko nga sila kilala.

"Nasa ospital ang nanay mo diba? Namomoblema ka sa pambili ng gamot at bayad sa ospital. At hindi sapat ang sahod mo sa coffee shop para sa pang araw-araw na gastos niyo at sa gamot ng nanay mo." Paano niya nalaman ang lahat ng yun? Wala naman akong pinagsabihan kahit na sino.

"At isa pa nawalan ka ng scholarship dahil hindi ka nakapagtake ng Departamental Exam niyo." Siya.

"ANO?!" O_O Sino bang hindi gaganyan ang mukha sa sinabi ng lalaking yun... pero natawa nalang din ako sa huli.

Magaling din pala tong magjoke, akala ko seryoso talaga tong lalaking to.

Ako? Mawawalang ng scholarship?

Napakaimposible naman ata, bukas pa yung departamental exam namin at sigurado

akong hindi ako babagsak dun.

"Oo. Tatlong araw kang tulog at kahapon lang yung Exam niyo." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

TA-TATLONG ARAW AKONG TULOG?

So, ibig sabihin hindi ako nakapagtake sa departamental exam namin at automatic bagsak na ako, at dahil bumagsak ako, wala na ang scholarship ko.

T_T ang scholarship nalang ang pag-asa ko magkapatapos ng pag-aaral. T_T

Kasalanan to ng mga kumidnap sa akin at sa lalaking to na nasa harapan ko.

"Nang dahil sa inyo nawalan ako ng scholarship. Nawalan na rin ako ng pag-asang makapagtapos ng pag-aaral." Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

At paniguradong wala na rin akong maaabutang trabaho.

Paano na ngayon ang buhay namin ni nanay?

"Wag ka ngang magmukmuk diyan may solution diyan sa problema mo." Sabi ni-- Ano ngang pangalan nito? Kanina pa kami nag-uusap dito di ko man alam ang pangalan niya.

"I'm Heinz, kanang kamay ni Boss." Nababasa niya ang nasa isip ko?

"Hindi ako mind reader. Tss. As I was saying Crisostomo ma--" pinutol ko ang sasabihin niya.

"I'm refer to be called Chris."

"Tss. Okey, as I was saying earlier, may solution diyan sa problema mo." Heinz. Ayan alam ko na ang pangalan niya.

"Paano?"

"Si Boss." Heinz.

"Anong boss? Sinong boss?" Eh, kanina pa niyang sinabi yang boss-boss na yan.

"Hindi mo pa siya makikita ngayon pero ngayon ka niya tutulungan." Heinz.

Biglang nagring yung phone ni Heinz at sinagot niya agad ito na di tinitingnan kong sino ang tumawag.

"Ayos ang lahat?___Oh! Sige bumalik ka na rito." At binaba na ni Heinz ang tawag.

"Ayun tapos na. Bayad na ang hospital bill pati gamot ng nanay mo. Bayad na rin ang whole year tuition f*e mo sa university'ng pinapasukan mo." Ganun lang ba yun?

Parang kanina lang pinagsakluban ako ng langit at lupa, ngayon parang walang paglagyan ang tuwa ko.

"Ipapatawag nalang kita ulit kapag may hihinging pabor sayo si Boss." Heinz.

"Pabor? Anong pabor yun?" Ano naman ang kapalit ng pagtulong ng Boss na yun?

"Hindi ko rin alam, basta ipapatawag nalang kita. Sige una na ko." Lumabas na si Heinz pagkatapos naming mag-usap.

Teka, paano pala ako uuwi nito ni hindi ko alam saang lupalop ako naruroon.

-----

Prestine University

"Bro, saan ka galing? Di ka tuloy nakapagtake ng Departamental Exam." Bungad agad sa akin ni Travis ng makapasok ako sa classroom namin.

"CC, Di ka na masasali sa Top 10. Paano na yung scholarship mo?" Nag-aalalang tanong ni Valerie.

"Kakausapin namin yung director na wag kang tanggalan ng scholarship." Trivor.

Ang saya ko nakatagpo ako ng mga kaibigan na tulad nila.

"Wag na kayong mag-alala nagawan ko na ng paraan yan. Nawala man ang scholarship ko, bayad na rin ang whole year tuition f*e ko." Masaya kong sabi sa kanila.

"Saan ka kumuha ng pambayad--I mean, sinong tumulong sayo na magbayad ng tuition mo?" Ano nga ba ang sasabihin ko?

"Kaibigan ko.__Una na ako sa inyo bibisitahin ko pa si nanay sa ospital." Nagwave nalang ako sa kanila habang papalayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia boss and i   Epilogue

    EPILOGUE 1 Year Later Chris POV Minsan iniisip ko kung paanong nagbago ang buhay ko sa loob lamang ng isang taon. Parang kahapon lang nang mawalan ako ng trabaho. Nawalan ng scholarship. Nawalan ng nanay. Parang sunod-sunod na dagok na halos hindi ko na kinaya. Akala ko noon, iyon na ang katapusan ng lahat. Pero hindi pala. Sa gitna ng lahat ng sakit at pagkawala, dumating ang mga bagay na hindi ko inaasahan—mga bagay na tuluyang nagbago sa takbo ng buhay ko. Nakilala ko ang babaeng hindi ko akalaing magiging mundo ko. Nag-asawa ako ng isang mafia boss. Nalaman ko ang totoong nangyari kay tatay. Nag-training ako, natutong lumaban, at nakaharap ang mga taong akala ko'y hindi ko kailanman kayang tapatan. May mga taong nawala. May mga laban na kailangang tapusin. At sa huli, natapos din ang giyera. Pero sa lahat ng nangyari, may isang biyayang dumating na higit sa lahat. Ang pagdating ni Baby Yassy sa buhay namin. Isang taon na rin ang nakalipas mula nang matapos ang lah

  • Mafia boss and i   Chapter 46

    Di napigilang umiyak ni Valerie dahil nasigawan siya ng Daddy niya. Nakarinig naman sila ng putok ng baril mula sa labas, nagkaroon ng pagkakataon si Salvatore ng makaalis sa kinatatayuan niya. Nakipagpalitan rin ng putok si Salvatore at ang mga tauhan niya sa mga tauhan ni Courage, pati na rin sina Heinz, Clay, Suzane, Travis at Chris. Si Trivor at ang iba pa nilang tauhan ay nakipagpalitan rin ng putok sa mga tauhan ni Salvatore sa mansyon. Nang napalibutan na nina Chris si Salvatore, binigyan ito ni Chris na pagkakataong sumuko pero hindi nakinig si Salvatore. "MAMAMATAY MUNA AKO BAGO SUMUKO SA INYO!" Matigas na sabi ni Salvatore atsaka pinaputukan ng baril si Chris pero biglang may sumalo ng bala na para sana kay Chris. "VALERIE!" Sigaw ni Chrirg ng makita niyang bumagsak na ito. Agad namang nakahanda ang mga kasamahan ni Chris para barilin din si Salvatore pero huli na. Binaril na ito ni Courage sa di kalayuan at bumagsak ito. Tinamaan kasi ito sa may puso. "O-okey ka la

  • Mafia boss and i   Chapter 45

    Author's POV Judgment Room... Umandar na naman ang mapaglarong Clay habang hinihiwa niya si Diego sa braso habang na nakatali ang magkabilang kamay. May pagkabrutal din kasi tong si Clay at nasisiyahan siyang nakakita na umaagos na dugo. "TAMA NA! MAAWA NA KAYO!" Nagsisisigaw naman si Valerie sa gilid. Di na niya kasi kayang makita ang pinaggagawa ni Clay kay Diego, naging kaibigan din niya ito at naiisip niyang ginagawa din nila to sa kanyang kapatid. "Wag kang mag-alala di ko din naman papatagalin ang buhay nito." Sabi ni Clay na ngayon ay hinahanda na ang kanyang baril. Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay. Mas lalo siyang nagpupumiglas mula sa pagkakatali niya. Hindi niya gustong makita na may mamatay na kaibigan niya at sa kanyang harap pa mismo. "Any last word sa iyong pinakamamahal?" Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay at napatingin siya kay Diego na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. "Mahal na mahal kita, Val--." *BANG* Hindi na pinatapos ni Clay ang

  • Mafia boss and i   Chapter 44

    Still Valerie’s POV “WELCOME TO THE JUDGMENT ROOM!” malakas na sigaw ng lalaki habang bumukas ang mabigat na pintuan sa harapan ko. Malamig ang hangin sa loob ng silid. Madilim, at ang ilaw ay nakatutok lamang sa gitna kung saan may isang metal na upuan na tila matagal nang ginagamit sa pagpapahirap ng mga bihag. Ang mga dingding ay puno ng gasgas, at may mga bakas ng dugo na hindi man lang tinangkang linisin. “Ang tagal din nating hindi nagamit ang kwartong ito,” sabi ng lalaki na tila aliw na aliw. “Sino nga ba yung huli nating pinarusahan dito?” Nilingon niya ang babaeng nakatayo sa gilid ng silid. Abala ito sa paglalaro ng dart. Walang emosyon ang mukha niya habang isa-isa niyang inihahagis ang mga matutulis na dart sa target na nakapako sa dingding. “Hmmm… sino nga ba?” sagot ng babae, tila nag-iisip pa habang paikot-ikot ang hawak na dart sa kanyang mga daliri. Napahawak ang lalaki sa kanyang baba na parang nagbabalik-tanaw sa nakaraan. Pagkatapos ay sabay silang nagsali

  • Mafia boss and i   Chapter 43

    CHAPTER 43: Still Valerie's POV "Ano ngayon kung anak siya ni Hector Salvatore? Papatayin niyo rin ba siya gaya ng ginawa niyo kay Christian Salvatore?" Sabi Diego at nilagay niya ako sa likod niya. Nakatingin lang ako kina Travis at Trivor. Hanggang ngayon di pa rin nagsisink-in sa utak ko nakalaban sila ng daddy ko. So, Si Chris nalang ang natitirang kaibigan ko na mahal ko rin. Sobrang na akong kinakabahan ng bumunot ng baril yung lalaki atsaka tinutok sa amin ni Diego. "Kinakausap ba kita? At bakit ganyan ka makapagreact anak ka ba ni Salvatore o mahal mo ang babaeng yan?" Bigla akong natigilan sa sinabi nong lalaki. Hindi umimik si Diego at yumuko nalang. "Ngayong kinakausap kita ayaw mong sumagot." Bigla niyang binaril si Diego sa binti kaya napaluhod ito. Agad kong dinaluhan si Diego. "ANG SAMA NIYO!" Di ko napigilang sumigaw. Ang sama nila, hindi nga lang nanlaban si Diego binaril pa niya. "Bakit yung ama mo ba hindi masama?" Inaamin kong masama ang ama ko pero dahil

  • Mafia boss and i   Chapter 42

    CHAPTER 42: Courage's POV I'm very thankful that Baby Yassy came to our lives. She added the color of my life, ADDED cause Chris put the colors on it. And I do everything just to protect them, my family. "Hello Baby Yassy! Do you miss daddy? Don't worry he'll be home later." Tuwang-tuwa naman siya inabot-abot ang daliri ko, nakahiga kasi siya sa crib niya. "Boss, pinapatawag niyo po raw ako?" It's Heinz. Si Heinz muna ang pinahawak ko sa underground business transactions namin at linggo-linggong nagrereport sa akin. Kahit hands on ako sa pag-aalaga kay Baby Yassy di ko parin pinapababayaan ang underground business namin. "Kamusta yung pinag-uutos ko sayo?" Maliban sa underground business, inutos ko rin kay Heinz na imbestigahan ang anak ni Hector Salvatore. Mas nauna ko ngang nalaman kay Trivor kung sino ang anak ni Salvatore at pinapasundan ko ito araw-araw. Hindi ko nga lang sinabi sa kanila dahil alam kong matalik nila itong kaibigan. "Gaya po ng pinag-uutos niyo, pinapasu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status