LOGINIsang chapter muna. Bawi na lang if may time... Thank you, sa mga nag-like at sumagot sa tanong ko. Mabuti na lang at hindi pa sabaw ang story.
MARC“Calessia, huwag kang magalit…”Kaagad kong sinabi iyon nang makita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.Bahagya rin akong dumistansya. Ayaw kong maramdaman niyang pinipilit ko siyang kausapin ako.Pero bago pa ako tuluyang makalayo, naramdaman kong humawak siya sa kamay ko.Para akong nakuryente.Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.Magaan lang ang hawak niya.Pero para sa akin, parang ang bigat ng kahulugan noon.Ngayon lang niya ako hindi tinaboy.Hindi itinulak at hindi iniwasan.Tahimik lang siyang nakahawak sa kamay ko.At hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.“Halika,” sabi naman ni Mama.Humawak siya sa braso ko at iginiya niya ako papunta sa mesa.Para akong batang walang ibang magawa kundi sumunod.Umupo ako, pero hindi ko magawang tumingin sa kanilang dalawa.Hanggang sa magsalita si Calessia.“Bakit ka nandito?”Napapikit ako sandali. Napalunok pa ng ilang beses.Sa totoo lang, may ilang kasinungalingang puwedeng sabihin.P
MARCNadatnan ko sa kalsada ang sasakyan ng mga tauhan ko.Nakahinto iyon sa gilid, bahagyang yupi ang harapan. Kaagad akong nagpreno at bumaba ng kotse.“Ano’ng nangyari?” agad kong tanong.Lumapit ang isa sa mga tauhan ko at bahagyang yumuko. “Binangga kami ng isang lasing, Sir Marc. Pero ayos naman po kami.”Mabilis kong sinulyapan ang iba. May mga gasgas at sugat sila, pero wala namang malubha.Nakahinga ako nang bahagya.“Nasaan sina Calessia?” Palinga-linga ako sa paligid, iniisip na baka nasa malapit lang sila.“Diretso lang po sila, Sir. Mukhang papunta sa resort. May mga tao pa rin po tayong nakasunod sa kanila.”Kaagad akong tumango.“Hintayin n’yo ang ambulansya. Mag-stay muna kayo sa ospital at magpagamot.”Pagkasabi ko niyon, agad akong bumalik sa kotse.Mabilis ang pagpapatakbo ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.Madilim na ang kalsada, pero wala akong pakialam. Gusto ko nang agad makarating sa resort at makita sina Calessia at Mama.Napatingin ako sa screen
MARCHabang papunta ako sa hotel, tumawag ako sa tauhan ko.“Find a way to get Calessia and Mama out of the hotel.”“We’ll handle it, Sir.”Mabilis ang pagpapatakbo ko.Mahigit dalawang oras ang biyahe papunta sa hotel na tinutuluyan nina Calessia.Talagang siniguro nilang malayo ako sa kanila.Ang pinagtatakhan ko lang, paano nalaman ni Armando ang tinutuluyan nila?Ibig sabihin ba ay may tao na rin siyang nakamanman sa kanila?Kung ganoon, posibleng mapahamak sila.Kailangang mauna akong makarating roon bago si Armando.Hindi niya makukuha si Calessia.Napahigpit ang hawak ko sa manibela.Handa akong ibigay ang kalayaan at katahimikan na gusto ni Calessia.Kung kailangan kong lumayo sa kaniya para maging masaya siya, gagawin ko.Ang hindi ko papayagan ay mapunta siya sa kamay ng isang taong hindi ko alam kung mabuti o masama ang motibo.Hindi ko kayang ipagkatiwala sa iba ang kaligtasan niya.Lalo na kay Armando.Habang nasa biyahe ako, tumawag muli ang tauhan ko.“They’ve left the
MARCKaagad na pina-cremate ni Carlo si Cara Rose nang matagpuan ang katawan nito.Maski ang pamilya niya, hindi na siya nakita sa huling pagkakataon bago siya ipa-cremate.Then, a few days later, biglang sumulpot si Monica sa harap ni Lola.“Do you think Cara Rose is still alive?” tanong ni Lola.Tumango ako.“I think she may be Monica.”Napahawak si Lola sa bibig niya. Bumakas ang takot sa mukha niya.Tumayo ako at inayos ang kumot niya.“Lola, you need to rest. Magpagaling ka. I’ll take care of this.”Tumango siya, pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.Lumabas ako at kaagad na tinawagan ang mga tauhan ko.“I want Carlo’s house watched. Closely.”Ibinilin ko ring i-trace ang lahat ng naging lakad at transactions ni Carlo sa nakalipas na walong buwan.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong hinahanap ko.Lahat blanko pa. Hindi ako sigurado kung tama ba ang naiisip.Pero talagang kakaiba ang kutob ko.Parang may mas malalim pang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
MARC“Get out!” sigaw ko.Pinaalis ko ang lahat ng bisita.Hindi lang basta pinaalis.Pinataboy ko silang lahat sa mga tauhan ko.“Have you lost your mind, Marc?!”Sigaw ni Lola habang napahawak siya sa dibdib.Todo-alalay naman si Monica sa kanya, acting as though she was already her granddaughter-in-law.Nagtangis ang bagang ko habang dinuduro ko si Monica.“This was your plan all along, wasn't it?”Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. Hindi rin siya makasagot.“You acted like you were angry at me because of what I did to my wife, but all you really wanted was to become Mrs. Belmonte.”Hinawakan niya ang kamay ko. Pumatak ang mga luha niya habang paulit-ulit na umiiling.“No... That wasn't my plan—”“Marc! Don't blame Monica. She didn't do anything wrong. She's only been taking care of you.”“That's her job.” Dinuro-duro ko siya.“Marc, enough!”Suminghal na naman si Lola. Agad siyang napahawak sa dibdib habang mahigpit pa ring nakahawak ang isa niyang kamay sa baston.“Monica
MARC“Calessia…” Akmang hahawakan ko siya, pero kaagad na naman siyang umatras.“Stay out of my life, Marc.” Madiin ang boses niya. Matalim din ang mga matang hindi ko na yata kayang salubungin.“Paano kung ayaw ko?”“Then I will hate you for the rest of my life.”Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at tuluyan niya akong iniwan.Mapait na lang akong napangiti habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko.Hindi ko na siya pinigilan kahit parang nadudurog ang puso ko.Pinanood ko na lang siyang halos lakad-takbo habang papalayo sa runway.Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.“Give Calessia the documents and the money. Make sure she has everything she needs.”“Yes, sir.”“Then follow them. Wherever they go.”“Understood.”Ibinaba ko ang tawag.Kung pipilitin ko siyang manatili...Tiyak na ikukumpara na naman niya ako kay Armando.Hindi ko siya ikukulong.Tahimik ko na lang siyang babantayan.Sa ngayon...Iyon lang ang kaya kong gawin.Maya maya, tumunog ulit







