MARCNadatnan ko sa kalsada ang sasakyan ng mga tauhan ko.Nakahinto iyon sa gilid, bahagyang yupi ang harapan. Kaagad akong nagpreno at bumaba ng kotse.“Ano’ng nangyari?” agad kong tanong.Lumapit ang isa sa mga tauhan ko at bahagyang yumuko. “Binangga kami ng isang lasing, Sir Marc. Pero ayos naman po kami.”Mabilis kong sinulyapan ang iba. May mga gasgas at sugat sila, pero wala namang malubha.Nakahinga ako nang bahagya.“Nasaan sina Calessia?” Palinga-linga ako sa paligid, iniisip na baka nasa malapit lang sila.“Diretso lang po sila, Sir. Mukhang papunta sa resort. May mga tao pa rin po tayong nakasunod sa kanila.”Kaagad akong tumango.“Hintayin n’yo ang ambulansya. Mag-stay muna kayo sa ospital at magpagamot.”Pagkasabi ko niyon, agad akong bumalik sa kotse.Mabilis ang pagpapatakbo ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.Madilim na ang kalsada, pero wala akong pakialam. Gusto ko nang agad makarating sa resort at makita sina Calessia at Mama.Napatingin ako sa screen
Last Updated : 2026-09-19 Read more