ANIM NA BUWAN NA ANG NAKALILIPAS, inatake sa puso ang Papa.Biglaan iyon, nakakatakot, at hindi namin inaasahan. Isang sandali ay tumatawa pa siya habang naghahapunan, nagkukwento tungkol sa mga dati niyang estudyante. Sa sumunod na saglit, nakahawak na siya sa kanyang dibdib at naghahabol ng hininga.Si Andrea, ang kapatid ko na nag-aaral ng medisina, ang agad na nakakita sa mga sintomas. Triple bypass ang kailangang gawin sa kanya. Ligtas siya, salamat sa Diyos, pero ang mga medical bills ay tila isang bundok na gumuho sa aming pamilya.Halos isang milyong piso. Ang retirement savings nina Mama at Papa? Ubos. Ang tuition fund ni Andrea? Ginamit din. At ako? Na-max out ko ang mga credit cards ko, kumuha ng personal loan, at lahat ng naipon ko, ibinuhos ko. Lunod na lunod ako sa utang, at ang contract na ito ang tanging salbabida ko."RACHEL?"Boses ni Zoe ang humila sa akin pabalik sa realidad."Sorry. I was just... thinking.""About your dad," malumanay niyang sabi."About t
最終更新日 : 2026-02-14 続きを読む