Nag-angat ako ng tingin at ngumiti nang makita kong si Mama 'yon."Oh, Ma, good morning," I greeted with a wide smile.Bumangon na ako at nag-inat-inat. Ang sakit ng balikat ko. Pati mga daliri ko, parang namamanhid. Buti pala hindi na ako ginising ni Law. Sarap din ng tulog ng isang 'to."Bakit dito kayo natulog sa sofa? Ang lamig-lamig dito, hindi man lang kayo nagkumot," sita ni Mama habang bitbit ang basket ng labahin.Napahilot ako sa sentido ko na medyo kumikirot. "Ma... tinapos lang po namin 'yong thesis at translations. Itutuloy sana namin, kaso ayon, nanalo ang antok," paos kong sagot. Si Law naman gising na rin, nagsisimula na ring mag-inat, nagrereklamo ang likod sa maling pwesto ng pagtulog."O sige na, maligo na kayo at mag-ayos. Law, iho, dumeretso ka na sa banyo doon sa guest room para makapag-almusal na tayo," dagdag ni Mama bago dumeretso sa labas.Sakto namang nag-vibrate ang phone ko. Isang text mula kay Liam. Na-excite ako bigla. Sana nakatulog siya ng maayos.
Dernière mise à jour : 2026-04-18 Read More