Pagkatapos kong i-send ang message na 'yon, hinintay ko ang pag-vibrate ng phone ko. Isang minuto, limang minuto, isang oras. Walang reply. Kinabukasan, ganun pa rin. Iyong screen ng phone ko nananatiling madilim, walang pangalan ni Liam na lumabas. It felt like I threw a stone into a deep well, and I never heard it hit the water.Masakit. Akala ko, hahabulin niya ako. Akala ko, magmamakaawa siyang bawiin ko ang sinabi ko. Pero wala. Tahimik. Siguro nga, tama ang desisyon ko, hindi na kami magka-wavelength. Habang lunod ako sa problema, baka lunod din siya sa trabaho at wala nang space para suyuin pa ako.Isang hapon, habang mahimbing ang tulog ni Mama dahil sa gamot, nagpasya akong lumabas muna para huminga. Sakto namang nag-text si Jo, ang co-worker ko sa kumpanya na naging malapit ko ring kaibigan."Ashanti! Coffee tayo? Dito lang ako sa cafe malapit sa ospital niyo. Break time ko lang," chat niya.Sumunod ako. Pagpasok ko sa cafe, agad akong kinawayan ni Jo. Katulad ko, pagod din
Dernière mise à jour : 2026-04-19 Read More