Tanghali na nang magising ako at halos hindi ko na maigalaw ang mga binti ko. Para akong nag-marathon ng sampung kilometro sa tindi ng pangangatal ng kalamnan ko. Pero wala akong nagawa kundi ang pilitin ang sarili kong bumangon dahil narinig ko ang boses ni Gab sa labas, parang may kausap sa telepono. Nang makababa ako sa dining area, naabutan ko siyang prenteng nakaupo habang nagbabasa ng kung anong dokumento sa kaniyang tablet. He was already dressed in a crisp black button-down shirt, looking as if he didn't just spend the entire night wrecking my sanity. Ang unfair lang. Samantalang ako, bawat hakbang ko ay parang may nakakabit na mabigat na kadena. "Late riser, aren't you?" puna niya nang hindi man lang nag-aangat ng tingin. "Sit down. The soup is still warm." Huminga ako nang malalim at dahan-dahang naupo sa tapat niya. Halos mapamura ako sa hapdi nang sumayad ang hita ko sa upuan. Agad niya akong inabutan ng kape. "By the way," panimula niya, sabay lapag ng tablet sa lames
Terakhir Diperbarui : 2026-04-06 Baca selengkapnya