"Make sure he takes his medications on time. And remember, no extreme stress. If he complains about a sudden, sharp headache or blurred vision, bring him back here immediately," mahabang habilin sa akin ni Doktora habang pinapapirmahan ang discharge papers ni Gab. Tumango ako habang bitbit ang coat ko. "Opo, Tita. Salamat po." "He might be physically cleared to go home, but mentally, he’s still adjusting. Be patient with him," paalala pa niya bago ako tinapik sa balikat at lumabas na ng opisina niya. Huminga ako nang malalim bago bumalik sa kwarto. Pagpasok ko, abala na si Gab sa pag-aayos ng kaniyang polo shirt gamit ang isang kamay dahil medyo may benda pa ang kabilang bahagi ng kaniyang balikat. Halatang nahihirapan siya kaya lumapit na ako sa kaniya para tulungan siya kaso… "I can manage," matigas niyang pagtanggi hindi ko pa man siya nahahawakan. He looked at me, his gaze still guarded but no longer as furious as yesterday. "So, we’re going home? To the house I don't remember
Last Updated : 2026-05-16 Read more