"Tayo na, Anak. Ano ba'ng nangyayari?" rinig kong pag-alo sa akin ni Papa habang inaalalayan ako, pero parang wala akong naririnig. Ang tanging paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ay ang sinabi ni Tita. Retrograde Amnesia. Ibig sabihin, tatlong taon ang nawala sa kaniya. At ang tatlong taon na iyon ay kasama ako sa memorya niyang iyon? "Tita, may pag-asa pa po ba?" tanong ko agad nang lumabas si Doktora, kumakapit na ako sa braso ni Papa para hindi muling matumba. "Bababalik pa ba ang alaala niya?" "We will do everything, hija. But memory is a complex thing. Sometimes it comes back in fragments, sometimes it takes years. And sometimes..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya, pero alam ko na ang ibig niyang sabihin. Minsan, hindi na talaga bumabalik… Pinalipas ko ang ilang oras sa labas ng ICU, pilit isiniksik sa utak ang nangyayari. Gusto kong pumasok ulit, gusto kong sabihin sa kaniya ulit na mag-asawa talaga kami, pero natatakot ako. Natatakot ako na sigaw-sigawan niya ulit
Last Updated : 2026-05-14 Read more