“ANAK… hindi ka ba masaya na makita kami ng Daddy mo na nakalaya?” Mangiyak-ngiyak na tanong ni Carlita.“How can I be happy, kung kayo ang dahilan kung bakit nagbago ang buhay ko?” malamig na sagot ni Tony.Parang nabiyak ang hangin sa loob ng sala.Natigilan si Carlita, tuluyang pumatak ang luha niya habang nakatingin sa anak na parang hindi na niya kayang abutin pa.“Tony…” halos pabulong na sabi niya. “Hindi naman namin ginusto ‘yon…”“Pero nangyari,” putol ni Tony, mas matigas ang boses ngayon. “At iniwan ninyo akong harapin lahat mag-isa.”Napasinghap si Renan, mas lalong tumalim ang tingin.“Hindi mo alam ang buong nangyari sa amun habang nakakulong” mariing sabi niya.Umiling si Tony, mapait ang ngiti.“Then tell me,” hamon niya. “Kasi habang tumatagal, mas lalo kong naiisip na sira na ang pamilya ko.Sandaling nanahimik si Renan.Sa itaas ng hagdan, hindi na nakatiis si Lyka. Ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Parang siya rin ay nadadamay sa sugat na hindi niya maintindih
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-13 อ่านเพิ่มเติม