Share

Chapter 13

Author: RIDA Writes
last update publish date: 2026-04-11 09:04:20

“ANAK! Anak ko! Huwag ninyong ilayo ang anak ko sa akin!” malakas na sigaw ni Lyka.

Nagulat si Tony nang marinig ang sigaw mula sa loob ng kuwarto ng dalaga. Agad siyang lumapit at walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto.

Nakita niya si Lyka na nakaupo sa kama, pawis na pawis at nanginginig ang buong katawan.

“Lyka… gising. Nanaginip ka."

Hinawakan niya ang balikat nito upang pakalmahin.

Unti-unting napamulat si Lyka. Nalilito pa ang mga mata niya habang hinihingal.

“Sir… Tony…” mahina
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 13

    “ANAK! Anak ko! Huwag ninyong ilayo ang anak ko sa akin!” malakas na sigaw ni Lyka. Nagulat si Tony nang marinig ang sigaw mula sa loob ng kuwarto ng dalaga. Agad siyang lumapit at walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto. Nakita niya si Lyka na nakaupo sa kama, pawis na pawis at nanginginig ang buong katawan. “Lyka… gising. Nanaginip ka." Hinawakan niya ang balikat nito upang pakalmahin. Unti-unting napamulat si Lyka. Nalilito pa ang mga mata niya habang hinihingal. “Sir… Tony…” mahina niyang sabi. Napansin ni Tony ang luha na tumutulo sa pisngi ng dalaga. “Ayos ka lang?” tanong niya. Hindi agad nakasagot si Lyka. Parang pilit niyang hinahabol ang hininga niya habang nakatingin sa kawalan. “I… I had a nightmare,” mahina niyang sagot. “About what?” Napayuko si Lyka. “About… losing someone.” Hindi na nagtanong pa si Tony. Ngunit hindi niya mapigilang pagmasdan ang dalaga. Halata ang takot sa mukha nito, parang may malalim itong pinanggagalingan. “Calm down,” sabi niya h

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 12

    "NAPAGOD siya sa kalalaro." Natatawang turan ni Tony na napabaling ng saglit sa anak. Saka muling tumingin sa daan. "Thank you for being here for my son. I hope you will stay with us for the sake of Reese." Napatingin si Lyka kay Tony matapos nitong magsalita. Tahimik lamang ang loob ng kotse habang patuloy ang pagtakbo nito sa kalsada. Marahang hinahaplos ni Lyka ang buhok ni Reese na mahimbing na natutulog sa kanyang kandungan. “I will stay,” mahina niyang sagot. Ilang araw palang siyang naninirahan sa mansyon, kasama ang mag-ama ay parang hindi na niya kayang iwanan ang batang ksi Reese. Malulungkot din siya kung sobrang magdadamdam si Reese dahil umalis na siya. Sandaling napatingin si Tony sa kanya bago muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. “Hindi lang para kay Reese,” dagdag ni Lyka pagkatapos ng ilang segundo. Bahagyang napakunot ang noo ni Tony. “Para na rin sa trabaho ko at gusto kong mabawi ang lahat ng nawala kina Mama at Papa," mabilis niyang sabi na para b

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 11

    MAGKAHAWAK sila ng kamay habang naglalakad papasok sa gate. Masigla ang bata at halos tumatalon sa tuwa. “Mama, mamaya sasayaw ako sa stage!” Exited na sabi ni Adie. “Talaga? Eh di kailangan kong panoorin mabuti,” nakangiting sagot ni Lyka. “Tsaka si Daddy din!” dagdag agad ng bata. “Dadating iyon,” sabi ni Lyka kahit hindi siya sigurado kung gaano ka-busy si Tony. Pagpasok nila sa loob ng school grounds ay marami na ring mga magulang at bata. May mga nakapilang chairs sa harap ng maliit na stage na inihanda para sa Parents’ Day program. Umupo si Lyka sa gilid habang nakikipaglaro si Reese sa ilang kaklase nito. Makalipas ang ilang minuto, may isang babaeng lumapit sa kanya. Mukhang elegante ito at may kasamang anak na babae. “Hello,” bati ng babae. “Hello po,” magalang na sagot ni Lyka. “Kayo ba ang mommy ni Reese Bautista?” tanong nito. Natigilan sandali si Lyka. Bago pa siya makasagot ay biglang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likod. “Yes. She is.” Parehong

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 10

    BINIBIHISAN ni Lyka si Reese, papasok na ito sa school.“Do I'm pogi, Mama?” inosenteng tanong ni Reese.Ngumiti si Lyka at marahang hinaplos ang pisngi ng bata. Sa tuwing makikita niya si Reese ay maaliwalas ang lahat sa kanya.“Of course. Super pogi,” sagot niya habang inaayos ang kwelyo ng uniporme nito.Mas lalo pang ngumiti si Reese, kitang-kita ang tuwa sa mga mata nito.“Mana po kay Daddy,” dagdag pa nito na parang proud na proud.Napatawa si Lyka. “Talaga? Eh di mas pogi pala si Daddy mo?” biro niya.“Hmm… konti lang,” sagot ni Reese habang iniisip iyon na para bang seryosong-seryoso sa paghahambing.Napailing na lang si Lyka habang tinatali ang sintas ng sapatos ng bata. Habang ginagawa niya iyon, hindi niya namalayang may isang pares ng mata ang matagal nang nakamasid sa kanila mula sa pintuan.Nakasandal si Tony sa door frame ng kwarto ni Reese.Tahimik lang siyang nakatingin. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaibang saya sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 9

    NAPADAAN si Tony sa pinto ng kuwarto ni Reese. Parang may naririnig siya sa loob. Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Natigilan siya nang makita ang nasa loob ng kwarto niya. Napangiti siya nang wala sa loob. Nakahiga si Reese sa kama habang mahimbing na natutulog. Yakap nito ang paborito nitong stuffed toy. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ni Tony ay ang babaeng nasa tabi nito. Nakatulog din si Lyka. Nakahiga ito sa gilid ng kama habang bahagyang nakatagilid kay Reese. Hawak ng bata ang isang kamay niya, na para bang natatakot itong mawala ang presensya nito. Tahimik na pinagmasdan ni Tony ang dalawa. Hindi niya maalala kung kailan huling nakatulog nang ganoon kahimbing ang anak niya. Simula nang mawala ang ina nito, halos gabi-gabi ay umiiyak si Reese o kaya naman ay ayaw matulog mag-isa. Ilang yaya na ang kinuha niya noon? Pero wala ni isa ang nagtagal. Lahat sila ay pinaalis mismo ni Reese. Pero ngayon, sa unang gabi pa lang ni Lyka sa mansyo

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 8

    ANG bilis-bilis ng mga pangyayari. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala si Lyka na magkakaroon siya ng instant na asawa at may anak pang bonus. Hindi tuloy siya dalawin ng antok sa sobrang pag-iisip. Nakahiga siya sa maliit na kama sa silid na ibinigay sa kanya sa loob ng mansyon. Nakatingin lang siya sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari kanina sa opisina ni Tony. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi alam ni Lyka kung magiging bangungot ba ito ng buhay niya. Napabuntong-hininga siya at bahagyang umupo sa kama. Kinuha niya mula sa maliit na mesa sa tabi ng kama ang folder na ibinigay sa kanya ni Tony. Ang kontrata. Ilang beses na niya itong binasa kanina, pero tila may kung anong humihila sa kanya na basahin muli ang bawat nakasulat doon. Dahan-dahan niyang binuksan ang folder. Marriage Contract Agreement. Kinagat ni Lyka ang ibabang labi habang sinusundan ng mga mata ang bawat linya ng dokumento. Rule #1: Ang kasal ay lihim.

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 7

    “AS in ngayon na po? Ikakasal na tayo?” nabibiglang tanong ni Lyka.Paano ang requirements nila sa kasal? Hindi pa naman naayos iyon.“Yes. Habang andito ka sa pamamahay ko, gusto kong gampanan mo ang pagiging isang ina sa anak ko,” kalmadong sagot ng lalaki.Natigilan si Lyka. Para siyang nabingi

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 6

    "I mean, Sir, bakit ako? Marami kasing puwedeng makuha diyan na puwede ninyong pakasalan... Alam ko kung gaano kayo kasikat sa buong bansa. Baka nga po pati sa labas ng bansa," lakas loob na paguulit ng tanong ni Lyka.Ilang segundo siyang tinitigan ni Tony, tila sinusukat kung gaano katatag ang lo

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 5

    KINAGABIHAN ipinatawag ni Tony si Lyka sa kanyang opisina sa loob ng mansyon. Kabado si Lyka na kipkip ang mga kamay. Kasisimula lang niya ngayong araw at parang ang dami nang agad na nangyayari sa loob ng mansyon.Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon ng kanyang amo. Tila

  • MARRIED TO MY MASTER   Chapter 4

    HINDI nakagalaw si Lyka. Hindi niya alam kung bakit, ngunit ang mga mata ng lalaking ito ay tila may kakayahang hubarin ang lahat ng depensang itinayo niya sa sarili. "Kung ganoon..." dugtong ni Tony. "Mas magiging madali ang lahat." Napakunot ang noo ni Lyka. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" Hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status