Ariana Wayne POV Ang biyahe patungo sa Reyes Ancestral Home ay tahimik, pero hindi ito yung uri ng katahimikan na nakakarelaks. Ramdam ko ang tensyon sa panga ni Lucas habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Ang kanyang kamay, na kanina lang ay malambot ang hawak sa akin, ay tila naging bato na naman. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang mataas na gate na gawa sa wrought iron. Pagpasok namin, isang malawak na mansyong yari sa bato ang bumungad—maganda ang disenyo nito, klasiko ang mga kulay, at pinalilibutan ng mga pine trees. "Listen to me, Ariana," mahinang sabi ni Lucas habang pababa kami. "My grandfather, Don Celestino, is not like Marcus. Hindi siya madadaan sa sigaw o sa pera. He observes. He strikes where it hurts the most. Just stay by my side." "Kaya ko 'to, Lucas. Hindi ako pinalaki ni Papa para matakot sa sino man," sagot ko, pilit na pinatatag ang boses ko. Pagpasok namin sa main hall, sinalubong kami ng isang matandang butler. "Good evening, Young Master
Read more