Ariana Wayne POV Nanatili ang katahimikan sa loob ng penthouse matapos ang halik na iyon ni Lucas. Kahit nakapasok na ako sa kwarto ko, naririnig ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Sinubukan kong ituon ang isip ko sa trabaho, lalo na’t opisyal ko nang hawak ang subsidiary ng Wayne Group na matagal nang inaasam ni Marcus. Kinabukasan, maaga akong naghanda para sa opisina. Paglabas ko ng kwarto, saktong nakaupo na si Lucas sa dining table, seryosong nagbabasa ng dyaryo habang humihigop ng kape. “Ready?” tanong niya nang hindi tumitingin. “Ready,” sagot ko. “Kailangan nating tapusin ang inventory audit ngayon.” “I’ll drive you,” sabi niya. “Remember Rule Number Ten. Hindi ka pwedeng lumabas nang wala ako o ang security team.” “Opo, Boss,” biro ko, kahit alam kong seryoso siya sa kaligtasan ko. Pagdating sa kumpanya, sinalubong kami ng mga empleyadong hindi magkandamayaw sa pagbati. Halatang kalat na ang balita tungkol sa pagtanggi ko sa proposal ni Marcus noong naka
Read more