Ariana Wayne POV Alas-sais na ng gabi nang itigil ni Lucas ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking gate sa Forbes Park. Pagkabukas nito, bumungad sa amin ang isang garden na puno ng mga lanterns. Maraming mamahaling sasakyan ang nakapila na sa driveway. “Sabi ko sa’yo, surprise,” sabi ni Lucas habang pinapatay ang engine. “Lucas, bakit tayo nandito sa bahay ng pamilya Sy? Akala ko ba dinner lang?” tanong ko habang tinitingnan ang reflection ko sa side mirror. Naka-business suit pa rin ako, pero tinanggal ko na ang blazer ko kaya naka-sleeveless silk top na lang ako. “Mr. Sy is hosting a small gathering for the top investors. Naisip ko, mas magandang dito ka mag-debut as the CEO of Nova kaysa sa isang formal press conference. Dito, ang mga tao ay hindi lang titingin sa’yo, kakausapin ka nila,” paliwanag niya. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at inayos ang necklace ko. “Medyo underdressed ako, ‘di ba?” Inayos ni Lucas ang buhok ko. “You look perfect. Simple
Read more