“Bakit mo ako pinigilan?” galit na sabi ni Venus habang marahas na hinihila ang braso niya palayo kay Derek na mahigpit siyang hinawakan simula pa kanina pagdating nila sa sasakyan. “Sinadya mo bang pigilan akong makausap si Dashiel?”“I would never do that, Miss Venus,” kalmadong sagot ni Derek. Hindi man lang nagbago ang tono nito. “Please, sumakay muna kayo sa kotse. Mas mabuti pong kumalma muna kayo.”“How am I supposed to calm down when all I want is to talk to Dashiel?” sigaw ni Venus.Pero nang mapunta ang tingin niya sa sugat sa gilid ng labi ni Derek, na siya mismo ang may gawa, bahagyang humina ang galit niya.“Get the first aid kit,” mas mahinang sabi niya. “Let me treat that.”“We can do it once nasa loob na tayo ng car, Miss Venus.”May point naman ito.Kaya kahit kumukulo pa rin ang inis sa dibdib niya, sumakay na rin si Venus sa sasakyan.Ilang segundo lang, iniabot na ni Derek ang first aid kit.Napabuntong-hininga si Venus bago iyon binuksan at dahan-dahang ni
Read more