“Pagkarinig ko na nagising na si Mommy, dumiretso agad ako rito sa hospital. Sorry kung medyo late ako, may kailangan lang akong tapusin na commitment,” malambing na sabi ni Venus habang nakangiti nang matamis.At hindi naman siya nagsisinungaling. Nang matanggap niya ang balita, agad siyang pumunta sa ospital, maayos ang ayos at suot ang ngiting ilang beses na niyang inensayo bago pa bumaba ng sasakyan.May dala siyang ilang paper bags mula sa isang sikat na pharmacy brand. Sa isang bag ay may CoQ10 at Omega-3 na sinasabing maganda para sa blood pressure, kasama ang isang kahon ng caffeine-free herbal tea. Sa kabila naman ay isang bouquet ng puting lilies, paboritong bulaklak ni Diana.“Ayusin ko lang itong flowers sa gilid. Favorite mo pa rin naman ito, right?” tanong ni Venus habang hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.“Hindi mo naman kailangang mag-abala pa,” malamig na sagot ni Diana. Hindi man lang nito sinulyapan ang mga dalang regalo ni Venus.Dati, natutuwa pa siya sa m
اقرأ المزيد