Manipis ang naging ngiti ni Dashiel, halos parang pangungutya.“Let me correct you,” malamig niyang sabi. “Si Venus ang laging busy. Kung hindi uma-attend ng social events, nasa auditions naman, fashion shows, galleries, boutiques…” Napailing siya nang bahagya. “Parang nakalimutan na niyang may asawa siya. At higit sa lahat, may bahay siyang dapat inuuwian.”“Don’t twist this around!” galit na sabi ni Teodoro.“I’m not twisting anything, Mr. Teodoro. Facts lang ang sinasabi ko.” Diretso ang tingin ni Dashiel dito. “And if you want proof, kaya kong ipadala sa inyo.”Saglit na natigilan si Teodoro. Namula ang mukha nito habang pilit pinipigilan ang galit.“In that case…” madiin nitong sabi, “...don’t blame me if I pull every cent of my investment out of Gutierrez Group!”Parang bala ang binitawang pagbabanta nito. Hindi naman sila nag-iisa sa loob ng room. Naroon din ang aide ni Teodoro at si Alfie.Nang marinig nila ang sinabi ni Teodoro, mabilis silang nagkatinginan, parehong ha
اقرأ المزيد