“Late ka bang uuwi mamayang gabi?”Sa kabila ng sariling kaba at insecurities, sinamahan pa rin ni Addison si Dashiel sa almusal. Hindi siya masyadong nagsalita, tahimik lang na sinigurong maayos ang kain nito. Pagkatapos, hinatid pa niya ito hanggang sa sasakyan, kung saan naghihintay na ang driver papunta sa opisina.“Why are you asking?” saglit siyang tinignan ni Dashiel, napansin ang banayad na ngiti sa mukha niya. Hindi niya ito pinigilan nang kusa nitong inayos ang kanyang ayos bago pumasok, parang natural na natural na ginagawa ng isang asawa.“Medyo tabingi ’yung tie mo, Dash,” mahinang sabi ni Addison habang inaayos iyon, marahang dumadampi ang kamay niya sa dibdib nito. Nang saglit siyang tumingala, tumama kay Dashiel ang mainit at kalmadong tingin ng mga mata niya, walang hinihingi, walang reklamo. Isang tinging tapat at tahimik na nakakagulat.“Thanks,” mabilis na sabi ni Dashiel, sabay iwas ng tingin. “And yes. I’ll be home late tonight.”Tumango si Addison, parang in
Leer más