Noong unang dumating si Addison sa bahay na ito, isang maliit na maleta lang ang dala niya, ilang lumang damit, simpleng gamit, at kaunting pag-asa. Pero ngayon, tatlong malalaking maleta ang maayos na nakahanay sa gilid ng kwarto. Hindi iyon puno ng mamahaling bagay na binili niya habang asawa siya ni Dashiel, kundi ng mga gamit na may mas malalim na halaga.Mga bagay na galing kay Eva.Simple lang, may sentimental value, isang kumot na mano-manong hinabi, isang lumang recipe book na may sulat-kamay ni Eva, at isang lavender na scarf na minsan nitong sinuot tuwing taglamig.Para sa iba, parang wala lang iyon. Pero para kay Addison, priceless ang lahat ng iyon.Mula sa isang maliit na drawer, kinuha niya ang debit card na matagal na niyang hindi ginagalaw. Ilang buwan na rin mula nang huli itong ialok sa kanya ni Eva, at noong araw na iyon, tinanggihan niya pa.“Hindi ko po kailangan, Lola,” mahinang sabi ni Addison noon habang ibinabalik ang card sa kamay ng matanda. “Si Dashiel
Leer más