Diretsong tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha. Tila ba may hinahanap. Gusto niyang marinig ang isang sagot pero nananatili pa ring tahimik si Ayesha. Napayuko si Ayesha, humugot ng malalim na buntong hininga.Hindi pa rin niya alam ang sasabihin dahil kahit anong sabihin niya, pakiramdam niya pagsisisihan niya pa rin yun sa huli. Ayaw niyang makasakit ng kapwa niya babae lalo na at wala namang ginagawa si Arianne sa kaniya.Umatras si Ayesha habang umiiling.“This is wrong,” wika niya. Hindi niya sinagot ang tanong ni Kian. Mali naman talaga, isang malaking pagkakamali ang mahalin nila ang isa’t isa. Kahit na sabihin niyang tanggap siya ni Kian, tanggap ni Kian ang anak niya, mali pa rin ito.“Ano bang mali sa mahalin ka, Ayesha?” tanong ni Kian. Punong puno ng tanong ang isip niya.“Maling-mali ito Kian. Because we’re not supposed to feel this,” sagot niya. Dahan-dahan na nagsalubong ang mga kilay ni Kian. Hindi niya alam kung ano bang sagot ni Ayesha. Tiningnan nila ang isa’t is
Magbasa pa