Tahimik lang si Ayesha habang kumakain sila ng dinner. Si Kian na naman ang nag-aasikaso kay Zayn. Hindi niya na lang pinakialamanan ang mga ito. Alam niyang nangungulila sa ama ang anak niya kaya hindi na lang siya kumontra.“May balita na ba sa pag-iimbestiga niyo o hindi niyo na inalam kung sino talaga ang may gawa para iframe up ka, Kian?” tanong ni Dexter habang kumakain sila.“Still ongoing, kung sa tingin mo babalewalain ko na lang yun, hindi yun ganun kadali.” Sagot ni Kian nang hindi tinitingnan ang kaniyang ama.“Tinutulungan mo pa ba si Kian, Ayesha?” baling naman ni Dexter kay Ayesha na kanina pa iba ang iniisip. Napabalik na lang siya sa wisyo ng marinig niya ang pangalan niya.“Masyado ng maraming ginagawa si Ayesha, marami na rin siyang naitulong sa aki
Read more