Nang makarating sila ng Germany ay dumiretso na sila sa bahay ni Kian dun. Napapalinga na lang sa paligid si Ayesha. Halos mansyon na ang bahay ni Kian at marami ring mga katulong.“Welcome back, sir!” sabay-sabay na bati ng mga ito sa kaniya. Nakalinya pa silang lahat nang salubungin nila si Kian.“Daddy, bahay mo po ito?” tanong ni Zayn na namamangha na ring nakatingin sa paligid.“Oo baby, dito ako nakatira dati.” Nakangiting sagot ni Kian.“Wow,” usal ni Zayn.“Maganda ang buhay mo dito, Kian, pero bakit ka bumalik ng Pilipinas?” kuryosong tanong ni Ayesha.“Dahil nandun ang trabaho ko, Ayesha.” Simpleng sagot ni Kian. Tiningnan ni Ayesha si Kian. Umuwi si
Baca selengkapnya