Atticus Soren CastilloKahit ilang oras na ring nakaalis ang sasakyan ni Anjo, hindi ko pa rin maiwasang isipin ang kanyang mga sinabi. Naroon pa rin ang galit sa lalaki at sa kanyang mga kasamahan, ngunit hindi ko rin maitatanggi ang pagkainteresado sa mga bagay na handa pa niyang sabihin sa akin. Nakaragdag pa sa aking iniisip ang batang buhat-buhat ni Anjelique.“Uminom ka muna ng tubig para kumalma ka kahit papaano,” seryosong ani ni Maeve sa akin kasabay ng pag-abot sa baso ng tubig na kanyang kinuha sa kusina kanina lang.Nakapasok na rin kami sa bahay at kasalukuyang nagtitipon ngayon sa may sala kasama sina Maricel at Marife na pareho ring naging biktima ng Vanta syndicate na kinabibilangan ni Anjo at ng iba pa.“Thank you, babe,” pasasalamat ko naman kay Maeve bago siya inayang maupo sa aking tabi.Ilang sandali ring nabalot ng katahimikan ang aming paligid hanggang sa si Marife na ang naunang bumasag nito.“Anong plano mo, Atticus? Maniniwala ka ba sa hayop na iyon? Sa tingi
Read more