Maeve Lailani PascualJust as Soren promised, two months after I gave birth to our second child, he once again prepared a wedding for the both of us; this time, he chose a church wedding.“Hindi ba pangit, Ma? Parang ang taba ko naman kasi dito sa wedding gown ko,” may pag-aalinlangan kong tanong kay Mama na kasama ko ngayon dito sa hotel kung saan ako nagbihis.Dahil iilang buwan pa lang mula nang manganak ako, kaya naman talagang bakas pa rin sa aking katawan ang pagdadalangtao ko noong mga nakaraang buwan. Mas mataba rin ang katawan ko kumpara sa normal kong hubog noon, kaya naman ngayon ay hindi ko maiwasang mailang.Muli namang inayos ni Mama ang tumakas kong buhok pabalik sa likod ng aking tenga.“Anak, maganda ka, okay? Mana ka kaya sa akin, kaya nga baliw na baliw sa'yo si Atticus…” biro pa ni Mama kaya naman pareho kaming natawa.“...saka anak, hindi naman basehan ang katawan mo sa pagmamahal na nararamdaman sa'yo ng asawa mo. Mataba ka man o payat, siguradong sa'yo lang naka
Magbasa pa