Atticus Soren Castillo“Ma, Pa, nandito na po ako,” malakas na wika ko habang papasok sa aming lumang bahay.Kakatapos lang ng unang semester namin sa eskwela at dala ko ngayon ang unang progress card na ibinigay sa amin kanina.Halos lahat ng subjects ko ay nakakuha ako ng flat 1 bilang marka kaya naman masayang-masaya ako ngayong pauwi sa aming bahay para ipakita ito kila Mama.“Nandito kami, Soren, anak, sa kusina. Halika na rito para makapagmeriyenda ka na rin,” tugon naman ni Mama kung kaya doon ako kaagad na nagtungo. Dala ko pa ang bag na gamit ko habang may malawak akong ngiting pumasok sa kinaroroonan nila Mama.“Ma, Pa, may regalo po ako sa inyo,” masiglang wika ko kasunod ng pag-aabot ng papel na aking hawak sa kanila.“Wow! Ang tataas ng grades mo, anak, ah,” manghang sabi pa ni Mama na siyang unang nakakita ng aking mga marka bago niya ito ipinasa kay Papa kasunod ng mahigpit na pagyakap nila sa akin, dahilan upang mapapikit ang aking mga mata nang mahigpit.Sa aking pagm
Read more