“V. Del Rio.”Paulit-ulit kong binabalikan ang dalawang salitang iyon sa aking isip, parang isang sumpa na ayaw akong tantanan. Kahit pilitin kong ituon ang aking pansin sa mga reports, kahit hindi ko na tinitingnan ang puting envelope na nakatago sa desk ni Timothy, ang pangalang iyon ay tila ba naka-imprint na nang malalim sa aking memorya gamit ang nagbabagang bakal.Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Bawat titig ko sa kisame ay sinasabayan ng kabog ng dibdib ko. At alam kong hindi rin nakatulog si Timothy. Kahit magkahiwalay kami ng silid, kahit walang salitang namamagitan sa aming dalawa sa buong magdamag, nararamdaman ko ang kaniyang bigat. Ramdam ko ang kaniyang presensya na gising at naglalakad sa kabilang bahagi ng mansiyon, pasan ang isang mundong unti-unti nang nagkakaroon ng lamat.Pagbaba ko sa dining area kinaumagahan, sinalubong ako ng pamilyar ngunit mas mabigat na katahimikan.Si Mamay ay tahimik na nag-aayos ng kape sa gilid ng counter, mabagal ang bawat kilos. Si
続きを読む