“YOU WERE listening to my phone call?”Agad na nanlamig ang ekspresyon ni Victor matapos mapansin ang reaksiyon ni Heather. Noon pa man ay hindi na nito gusto ang babae kaya mabilis na tumigas ang tono nito.Bahagyang natigilan si Heather bago agad na umiling. “I didn’t mean to overhear anything,” mahinahon ngunit kinakabahang saad nito. “Paalis na sana ako, pero narinig ko po ang pangalan ni Gabriel kaya...”Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin.Sa totoo lang, pumunta lamang talaga siya sa mansion para hanapin si Gabriel. Noong nakaraan kasi, hindi sinasadyang nadamay si Gabriel sa gulo nila ni Kaila Tan laban sa Rivera family.At sa pagkakaalam ni Heather, kahit galit sa kaniya ang Rivera family, hindi naman nito magagawang direktang banggain ang Zamora family. Kaya inakala niyang siya lamang ang puntirya ng mga ito.Ngunit hindi niya inaasahang si Kaila mismo ang magsasabi sa kaniya na may nangyaring problema kay Gabriel sa abroad.Hindi naman masama ang intensyon ni Kaila. Sa m
Last Updated : 2026-05-10 Read more