“MAGANDA po ’yon! Tama po kayo, ma’am!” Agad na tumango ang barangay captain habang bakas ang excitement sa mukha nito.“Gagawin po namin ang lahat para masuportahan ang project. Malaking tulong po ito sa lugar namin.”Maging ang ibang residente ay sunod-sunod ding sumang-ayon. Sa loob lamang ng ilang minuto, mas lalong gumaan ang atmosphere sa paligid. Dahil sa ilang simpleng salita ni Yumi, tila mas naging malinaw sa lahat na hindi lamang negosyo ang habol ng proyekto kundi totoong pag unlad para sa komunidad.Samantala, tahimik lamang na nakatayo si Mikaela sa gilid habang pinapanood ang lahat. Noong una, akala niya ay kaya niyang tapatan si Yumi pagdating kay Adrian. Ngunit habang pinagmamasdan niya kung paano natural na umaayon ang sitwasyon sa babae, unti-unti siyang nilamon ng kakaibang bigat sa dibdib.Hindi man loud o aggressive si Yumi, ngunit bawat kilos nito ay may sariling elegance at composure na hindi madaling pantayan.Sa huli, tinanggap lamang ni Adrian ang handwritte
Last Updated : 2026-05-14 Read more