BAHAGYANG tumigas ang ekspresyon ni Victor. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang naubos ang kanyang pasensya. Ang dating kalmadong tindig ay napalitan ng malamig na presensya na tila kayang magpabigat ng buong paligid.Ngunit si Lexie ay nanatiling matatag.“Uncle Victor,” direkta niyang sabi, walang pag-aalinlangan sa boses, “I know nothing about Gabriel’s situation. At lalong wala akong balak makialam. If that’s the reason you came here… then I think it’s best for you to leave.”Ilang segundo ang lumipas bago bahagyang tumango si Victor. Wala na siyang sinabi pa. Marahan siyang tumayo, inayos ang kanyang amerikana, at walang lingon na naglakad palabas ng mansyon. Ngunit bago siya tuluyang makalayo, isang huling tingin ang ibinigay niya kay Lexie. Ngunit sapat para magdulot ng hindi maipaliwanag na pangamba.Nanatiling nakatayo si Lexie, hindi gumagalaw. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang bahagyang panginginig na pilit niyang pinipigilan.“The Zamora family…” mahina niyang bulon
Last Updated : 2026-05-05 Read more