PARANG biglang nawalan ng lakas si Bianca matapos marinig ang malamig na tono ni Clyde.Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata nito habang nanginginig ang labi. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang magalit. Ngunit sa sobrang bigat ng nararamdaman niya, kahit isang salita ay halos hindi niya mailabas.Tahimik lamang siyang nakatitig kay Clyde habang patuloy na pumapatak ang luha sa pisngi niya.Samantala, napabuntong-hininga si Clyde bago marahang lumapit sa side table ng study. Kumuha ito ng tissue box saka iniabot iyon kay Bianca.“Punasan mo ’yan,” mababa nitong saad.Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Clyde kumpara kanina, at agad iyong napansin ni Bianca. Para sa kaniya, iyon na lamang ang natitirang pag-asa kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Clyde.“Please…” paos nitong bulong habang umiiyak. “Ayokong makipaghiwalay sa ’yo. Mahal kita, Clyde.”Tahimik lamang na napapikit si Clyde.“Alam mo naman…” pagpapatuloy ni Bianca habang mas humihigpit ang hawak sa kamay nito,
Last Updated : 2026-05-18 Read more