“Nice to meet you po,” nakangiti kong sabi.Ngumiti ang matanda at tumango. “Nice…” Napansin kong nahirapan siyang magdugtong ng salita kaya agad kong hinawakan ang kaniyang kamay para iparamdam na hindi niya kailangang magmadali.“Pagod ka?” tanong ng matanda kay Ali habang nakatingin sa mukha ng binata.“Okay lang ako, Ma,” ganti ni Ali sabay haplos sa balikat ng matanda.“May pagkain?”“Wala pa po.”“Then cook,” utos ng ina sa kaniya. “M-May bisita tayo.”Natawa nang mahina si Ali sa kaswal na utos ng ina. “Yes, Ma.” Napatingin siya sa akin at tinaas ang kanyang kilay. “You hungry?”“Okay lang ako, busog pa ako,” agad kong sagot.“No. You're probably hungry, gabi na rin,” giit niya.“Ali, huwag ka nang mag-abala pa—”“Stay here, samahan mo muna si Mama,” putol niya sa akin sabay lakad patungong kusina.Pumasok siya sa maliit na kusina na katabi lang ng sala. Sumunod ako sa kaniya pagkalipas ng ilang minuto. “I'll help you.”Kumuha siya ng apron at umiling. “No.”“Why?”“Bisita ka,
続きを読む