-Ava-"Bakit tayo pupunta sa kumpanya ninyo?" nagtatakang tanong ko."James is there right now," sagot niya. "At may importante daw sasabihin sa amin si Kuya. Daan muna tayo dun saglit at saka tayo kakain. Malay mo sasabay sila sa atin tapos ililibre nila tayo."Pero bigla siyang nalungkot bago siya napabuntong-hininga ng malalim. Dahan-dahan siyang sumandal sa upuan at saka tumingin sa labas ng bintana."Do you think, nalaman na ni Kuya ang nangyari sa akin kanina?" maya-maya lang ay tanong niya sa akin.“Hindi naman siguro,” sagot ko at saka muling napatingin sa labas nang madaanan namin ang ospital na pinagtatrabahuhan ni James, bago ko ibinalik ang tingin ko kay Chantal. “Nabura ko na ang video. Wala ng ebidensya. At sa pagkakaalam ko, tayong dalawa lang ang nakakaalam ng buong nangyari, pati si Serena at ang mga kasama niya. Nangako siyang walang makakaalam nito. At saka... kahit malaman man ng kuya mo ang nangyari, wala naman tayong ginawang mali, di ba?”Napatango-tango naman s
Baca selengkapnya