-Ava-At dahil doon, hindi ko napigilang mapangiti. Sa pagkakataong ito, totoo na ang ngiti sa mga labi ko. "Kayo na?" tanong ko sa kanya.Nag-angat siya ng ulo at dahan-dahang tumango. May bahagyang pamumula pa sa mukha niya habang nakatitig sa akin. "Yeah. I’m sorry, Ava. Pero matagal ko na pala siyang gusto. And I just realize that now.”Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong nakahinga ng maluwag. Masaya ako para sa kanya. Sa wakas, may sarili na rin siyang kaligayahan at hindi na siya masasaktan pa dahil sa akin.Mula pa naman noong una ay sinabi ko na sa kanya ang totoo na pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay. At mabuti na lang, mukhang tuluyan na rin niyang tinanggap iyon.Pero habang nakatingin ako sa masaya niyang mukha, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko, bakit parang lahat sila, unti-unti nang nahahanap ang taong para sa kanila. Samantalang ako, ito at malungkot pa rin.Si Ingrid, may Yael na. Si Chantal, may James. Si Marcus, nahanap na niya ang tunay na
Baca selengkapnya