-Ava-Noong mga nakaraang buwan, nalaman kong pinakasalan na ni Kardo si Tanya, pero maliit lamang na seremonya ang naganap. Narinig kong plano nilang magpakasal ng bonggang-bongga ngayong taon, pero inuna lang nila ang kasal nina Ada at Daniel.Pero hindi ko iyon mapapayagang mangyari. Guguluhin ko sila at hindi ko sila hahayaang lumigaya.Ngayong nakakuha na ako ng sapat na pera para gumanti sa kanila, ipagpapaliban ko muna ang pagpapakasal kay Daniel, dahil alam kong hindi titigil si Kardo hangga’t hindi siya nakakapaghiganti sa ginawa kong pamamahiya sa kanila. Malamang ay baka patayin niya din ako. Sa kaguluhang ginawa ko rito, mas maraming tao ang makakakilala sa akin at nalaman nila ang ilan sa mga baho ng pamilya ng mga Hernandez. At kapag naging sentro ako ng atensyon ng publiko, mas magiging mahirap para kay Kardo na saktan o basta na lang ako ipapatay.Pero mukhang iba ang plano ng lalaking mahigpit na nakahawak ngayon sa kamay ko habang sabay kaming tumatakas mula sa sari
Baca selengkapnya