-Daniel-Pagkatapos kong pakainin si Ava, muli na namang kumatok si Manang Huling, and this time, sinabi niyang ipinapatawag daw ako ni Mommy sa study room dahil gusto daw niya akong kausapin.“Okay, Manang. Susunod na ako,” sagot ko. Hindi ko na binuksan pa ang pinto dahil alam kong maririnig pa rin niya ako kahit nasa loob ako ng kuwarto. Nang marinig kong papalayo na ang kanyang mga yabag, muli kong hinarap ang asawa ko. “Dito ka lang muna, ha. Kakausapin ko lang si Mommy.”“Okay,” sagot niya bago bumaba mula sa kama. “Maliligo lang muna ako.”Napangiti ako sa sinabi niya. “Wait for me. Huwag mo akong tutulugan, ha? May gagawin pa tayo mamaya.”Namula ang mukha niya bago ako marahang hinampas sa braso at mabilis na tumakbo papasok sa banyo.Kahit sarado na ang pinto sa banyo, nakatitig pa rin ako dito at parang tangang nakangiti. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin siya sa akin. Kahit mag-asawa na kami, hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkainosente.Nagmamadali akong lumabas ng kuw
Baca selengkapnya