Carys Valderama POVMaganda ang sikat ng araw habang pumapasok ito sa malalaking bintana ng aming master bedroom sa BGC penthouse. Isang taon na ang nakalipas mula noong isilang ko si Santiago Alexander Jr., at ngayon ay abala na siya sa paglakad habang hawak ang mga daliri ng kanyang ama.Nakatayo ako sa may pinto habang pinapanood silang dalawa. Suot ni Alexander ang kanyang pormal na polo shirt habang nakaluhod sa sahig at sinusubukang turuan ang aming anak na ihagis ang isang maliit na laruan."Come here, little man," tawag ni Alexander sa kanyang baritonong boses habang nakangiti. "Give that ball to Dad."Tumakbo si Santi palapit sa kanyang ama habang tumatawa, bago ito dumeretso sa yakap ni Alexander. Kinuha siya agad ni Alexander at inihagis nang bahagya paitaas kaya mas lalo pang lumakas ang tawa ng bata."You're spoiling him too much, Alexander," biro ko habang naglalakad palapit sa kanila at iniabot ang isang basong tubig.Tumayo si Alexander habang karga-karga si Santi sa k
اقرأ المزيد