Alexander Santiago Del Fierro POVMatahimik ang buong BGC penthouse habang unti-unting sumisikat ang araw mula sa silangan. Nakatayo ako sa harap ng glass wall habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Sa malaking kama sa gitna ng kwarto, nakahiga pa rin si Carys habang nakabalot sa puting kumot. Ang kanyang mahabang buhok ay nakakalat sa unan, at ang kanyang mukha ay napakatahimik tingnan.Dahan-dahan kong ibinaba ang tasa ng kape sa bedside table at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang pisngi.Minulat ni Carys ang kanyang mga mata at nagpakawala ng isang maliit na ngiti habang nakatitig sa akin." Good morning, Alexander," paos niyang bati habang dahan-dahang umuupo." Good morning, Mrs. Del Fierro," sagot ko habang inilalapit ang mukha ko sa kanya para halikan siya sa noo. " How are you feeling today?"" Medyo nahihilo lang ako," sagot niya habang inilalagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ko. " Baka dahil lang ito s
Mehr lesen