Share

Chapter 33

Author: Airam Anelé
last update publish date: 2026-04-13 12:00:19

Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa bigla na lang maubo si Rita.

"Rita, ayos ka lang?"

"A-ayos lang ako. Ano, n-nasamid lang."

Nagkaroon ng ilangan ang dalawa sa isa't isa kaya pareho silang nag-iba ng tingin.

"Um, Martin, may sasabihin ka pa ba?"

"W-wala na. Sinabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko para sa timothée o timotay na yun."

"Martin, mabuting kabigan si timotay. Hindi mo lang alam, pero nung umuwi ako dito nung na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Finding Love Again    Chapter 47

    Nang mag-celebrate ng birthday si Lara ay iilan lang sa mga katrabahong kaibigan ang inimbitahan niya, at dahil umiinom siya ay nagkaroon ng inuman. "Hindi! Hindi ako pumapayag." Tutol ni Lorna. "At kailan ka pa natutong uminom, ha? Sunog-baga ka na rin ba ngayon?" "Si mama naman, ang oa. Umiinom lang, sunog-baga na agad? Bihira lang naman akong uminom, kapag may okasyon lang. Saka birthday ko naman, e, kaya pagbigyan n'yo na ako." "Hindi! Tapos magdadala ka ng lalaki dito? Ano na lang ang magiging ayos ng bahay natin?" "Hindi po, puro babae lang naman ang inimbitahan ko, e." Bumaling ito sa nanahimik na si Rita sa mesa. May isinusulat ito sa notebook, pero nakatulala lang naman ito. "Rita, tulungan mo naman akong kumbinsihin itong si mama, o. Ang kj, e." Ngunit tila walang narinig si Rita. Nadaan din ni Lara sa pakiusapan ang ina kaya pumayag na rin ito, ngunit binigyan s'ya ng taning. Nang

  • Finding Love Again    Chapter 46

    "Sir, Mrs. Moñego invited you for dinner at the Sky Tower Hotel. 7:00 PM tonight, Sir.""Hump! Sabihin mo, hindi ako pupunta." Supladong sagot ni Martin. Inis siya ngayon sa mga Moñego dahil hindi s'ya makaalis-alis nang dahil sa mga ito.Makalipas lang ang wala pang limang minuto ay bumalik ang nag-aalinlangang assistant. "Sir, pinasabi po ni Mrs. Moñego na pupunta daw po ang Charmain ng legacy prime corporation na si Mr. Arnaiz"Naitigil ni Martin ang ginagawa. Ang chairman ng legacy prime corporation ay isa sa mga tinatarget niyang investor, plano niya sanang kausapin nang palihim ito para sa isang kooperasyon na siyang magiging unang hakbang niya para makawala na sila sa pagkakakapit ng mga Moñego sa kanila. "Sige, sabihin mo ay pupunta ako."Nang matanaw ni Martin ang investor pagdating niya sa hotel ay ibinaba na n'ya ang dipensa n'ya. Magbuhat kasi nang i-set up siya ng biyenan nyang hilaw ay nawalan na s'ya ng tiwala dito, kaya ngayon ay

  • Finding Love Again    Chapter 45

    "ANO?!! Bumalik na sila sa Ormoc? Kailan pa?" Maingay na bulalas ni Roda. Dahil hindi sinasagot ni Martin ang mga tawag niya kung kaya't pinuntahan na n'ya ito sa condo nito. "Martin!" Sinunggaban niya ang damit ng Anak. "Bakit ba hindi ka umiimik diyan? Magsalita ka nga! Bakit mo hinayaang makaalis ang ritang yun na tangay-tangay ang apo ko? Bakit hindi mo man lang sila pinigilan? Hindi ba't gusto mong magpakaama sa bata? O, e, bakit wala kang ginawa?!" Halos maghisterikal na ito na animo'y ninakawan ito ng milyon-milyong piso, halos ipagwagwagan na niya ang panganay na anak.Kinalas ni Martin ang kamay ng ina sa kanya. "At bakit ko naman sila pipigilang umalis? Alam n'yo naman siguro na mas may karapatan si Rita kay Sophia kaysa sa akin, hindi ba, dahil s'ya ang ina ng bata? Saka tama naman s'ya, sa lahat ng pagsasakripisyo niya mula sa pagbubuntis niya kay Sophia, hanggang sa pagpapalaki sa kanya, wala tayong naiambag. Kaya anong karapatan nating pigilan siya?"

  • Finding Love Again    Chapter 44

    "Misis, hindi naman po malala ang infection. Mabuti't dinala n'yo agad dito ang anak n'yo para ma-treat kaagad ang sugat niya. Kung magagamot nang tama, hindi naman ito mag-iiwan ng peklat. Kung magkapeklat naman, may mga ipinapahid na gamot naman na very accessible na ngayon. Makakabili kayo nun sa kahit saang pharmacy o drugstore." Wika ng doktor habang ginagamot ang sugat ni Sophia na nakuha nito sa pagkakadapa. Kinamot ito ng bata kaya nagkaimpeksyon. "Payo ko lang po, Misis, sa susunod na masugatan po ulit ang Anak n'yo, ganito po ang gawin n'yo..." Sa lahat ng sinabi ng doktor ay tila walang naintindihan si Rita, nakayuko lang ito habang may malalim na iniisip. "Misis? Misis?" Tawag ng doktor ngunit hindi pa rin ito narinig ni Rita. Kung hindi pa naihulog ng malikot na si Sophia ang pen holder na sa mesa ay hindi pa s'ya magbabalik sa wisyo. Pinulot nya iyon at ang mga nakalagay na mga ballpen doon. "Pasensya na po, doc, sa kalikutan ng anak ko."

  • Finding Love Again    Chapter 43

    Nagmamaneho si Martin papunta sa hotel na tinutuluyan ng mag-inang Rita at Sophia, kasama n'ya ngayon si Sean na kaluluwas lang ng Maynila. "Kumusta naman sean ang pagporma mo kay Lara, may progress ka na ba?""Wala pa, pakipot naman kasi, e. Tulungan mo nga ako, o kaya ay bigyan mo na lang ako ng tip kung paano mo napasagot si Rita noon."Natigilan si Martin, mabuti na lang ay nagpula na ang traffic light. "Paano ko naman malalaman yun, e, diba may amnesia ako?""Oo nga pala!" Nahampas ni Sean ang kanyang noo. "Kumusta nga pala nga mag-ina mo dito sa Maynila, nakaka-adapt naman ba sila?" "Oo naman. Nakapunta naman na si Rita dito sa Maynila, e. Diba nga, namasukan s'ya sa amin?" Nakarating na sila sa hotel. sa lobby ay naulinigan agad ni Martin ang malakas na boses ng isang babae. Kumunot ang kanyang noo nang makilala kung kaninong boses iyon. 'Si Claire ba yun? Ano naman ang ginagawa nya dito?' Dali-dali siyang naglakad papunta sa

  • Finding Love Again    Chapter 42

    "Matin!" Tawag ni Sophia nang makita ang kanyang ama paglabas n'ya ng kuwarto nilang mag-ina.Naudlot ang pagsasalita ni Martin. Yumuko s'ya at kinarga ang bata. Hinalikan n'ya ang malambot na pisngi nito. "Pia, anak, pasensya na kung hindi ako nakapunta kahapon, ha. Nagkaproblema kasi si daddy, naghintay ka siguro." "Puwede mo na bang sabihin kung ano ang nangyari?" Tanong ni Rita. Hindi n'ya mapigilang ma-curious sa sinabi nito kanina.Natigilan si Martin. Kanina, sa pagpunta n'ya dito ay naisip n'ya maging tapat kay Rita at sabihin na may nangyari sa kanila ni Claire. Naisip nya na wala naman sigurong problema kung ibabahagi n'ya iyon sa dating nobya, ngunit nang makita n'ya si Sophia ay naapektuhan na malaki ang desisyon nya; pakiramdam n'ya ay may masisira sa kanila kapag sinabi nya ang tungkol doon. "Martin?" "Um... ano, puwede bang huwag na lang muna nating pag-usapan?" Nagtaka si Rita, kanina lang ay willing i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status