“Pero, Arsenio—” “Kung hindi ka kikilos ngayon, pareho tayong malilintikan kay Senyor,” putol ni Arsenio. Diretso ang tingin nito sa tauhan, walang bahid ng pag-aalinlangan sa mukha. Sa huli, tumango ang tauhan. “Sige.” Pagkatapos ay mabilis itong tumalikod at nagmadaling bumalik sa loob ng gusali. Nang makaalis ito, sandaling natahimik ang paligid. Tiningnan sila ni Arsenio. Si Divina ay ilang ulit na napakurap, tila hindi pa rin makapaniwalang pinakawalan sila nito. Samantala, si Cassandra ay nagsalubong ang mga kilay. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat o mag-ingat. “Bilisan n’yo nang umalis bago pa may makakita ulit sa inyo,” seryosong sabi ni Arsenio. Hindi na ito naghintay ng sagot at nilagpasan sila. “O-Oo, Kuya. Salamat,” agad na sabi ni Cassandra. Mabilis silang kumilos. Ngunit bago tuluyang makalayo, napasulyap si Arsenio sa babaeng nakaupo sa wheelchair. Alam niyang si Mirasol iyon. Saglit na natigilan si Arsenio. 'Patawarin mo a
Read more