Dahan-dahang lumingon si Cassandra. Mahimbing ang tulog ni Ismael, ngunit mahigpit pa rin ang yakap nito sa kanyang bewang. Saglit siyang napatitig dito. May bahagi ng isip niya ang gustong manatili na lang sa init ng yakap ni Ismael, yakapin rin ito pabalik... at hayaan na lang ang sarili niyang makatulog. Ngunit agad niyang itinaboy ang isiping iyon, bago ipinilig ang ulo. 'Hindi, Cassandra, iba na ang sitwasyon ngayon. Kapag nagtagumpay si Ismael... baka hindi ka na makaalis nang buhay.' Tahimik siyang naghintay ng ilang minuto, sinisigurong malalim na talaga ang tulog nito. Nang makasiguro siyang mahimbing na ang tulog ni Ismael, marahan niyang iniangat ang kamay nilang nakaposas. Maingat niyang iniusog ang daliri at bahagyang kinalabit ang braso ni Ismael. Walang reaksyon. Muli niya itong kinalabit, mas marahan pa kaysa kanina habang halos hindi na siya kumukurap. Nanatili itong nakapikit. Mukhang tulog na tulog nga ito. Unti-unti siyang humarap kay Is
Read more