Halos kalahating supot ng kamias ang naubos ni Ismael.Wala na itong nagawa. Sa tuwing iaabot ni Cassandra ang kada piraso, tahimik niya na lang iyong kinakain, habang tuwang-tuwa naman si Cassandra sa bawat reaksiyon niya.Maya-maya, unti-unting inantok si Cassandra.Dahan-dahang napahilig ang ulo nito sa balikat ni Ismael.Napailing si Ismael, saka marahang inayos ang pagkakasandal ni Cassandra upang mas maging komportable ito.“Ismael, buhay ka pa ba? Parang naubos na ang dugo mo sa dami ng kamias na kinain mo.” tukso ni Indira bago humalakhak.Napatawa rin si Rey.“Mga siraulo,” mahinang sabi ni Ismael habang pinagmamasdan ang payapang mukha ng natutulog na asawa.“Huwag nga kayong maingay. Natutulog ang asawa ko.”Nagkatinginan sina Indira at Rey, saka sabay na napailing habang pigil ang tawa.Nang umagang iyon...Araw na ng plano nilang itakas si Mirasol mula sa ospital ni Senyor.Madaling-araw pa lamang ay nakahanda na si Ismael.Nakasuot na siya ng itim na tactical outfit, at
Read more