"Isang araw nga, nag-promote ulit 'yung account ni Celestine ng panibagong batch ng mga personal hygiene items," tuloy ni Rigor habang tumatawa. "At alam niyo ba kung ano'ng ginawa nitong si Sebastian? Pinabili niya ulit sa secretary niya sa malaking volume, tapos ipinamigay lang naman sa mga street sweepers at construction workers! Bro, hindi ka na nagne-negosyo niyan, eh. Ginagawa mo nang charity institution ang kumpanya natin!"Bahagyang napangisi si Sebastian habang pinaiikot ang baso ng alak sa kaniyang kamay. "Is doing charity even a bad thing? A high-profile family like ours carries social responsibility. It's just my way of giving back to society."Agad na tumango-tango si Antonio bilang pagsang-ayon, "May punto naman si Sebastian diyan. I support him on that."Napailing na lang si Rigor sa depensa ng dalawa. "I mean, I admire your strategy, bro! Kasi powerhouse galawan din, eh. Pero bro, now that you've done all of that, why can't you just fucking own it? Sabihin mo na kasing
Leer más