共有

Kabanata 18

作者: MaoMao
last update 公開日: 2026-03-25 10:48:17

Natigilan si Ethan nang marinig niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng pagkamali, tinig iyon ng kanyang tiyuhin hindi ba? Pero paanong nandito ito at kasama ni Ruby? Hindi kaya…

Biglang tumayo ang lalaki sa likod at hinawi si Ruby na nakatayo sa kanyang harapan. Nang tuluyan niyang makita ang mukha ng kanyang tiyuhin ay halos malamig ang buo niyang katawan. Kahit na saang lugar o saang anggulo niya ito tingnan ay mayroon itong nakakatakot na awra. May malalamig itong mga mata na akala mo a
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 25

    Napuno ng saya ang mukha ni Ruby pagkatapos pirmahan ni Mr. Lozano sa kanyang harapan ang kontrata. Mabilis niyang kinuha ito at ibinalik sa kanyang bag. “Halika rito sa tabi ko.” anyaya nito sa kaniya na puno pa rin ng pagnanasa ang mga mata. “Alam mo bang kagabi pa ako nahuhumaling sayo?” mahina na sabi nito sa kaniya na halos kilabutan siya.Napatingin siya rito at napataas ang kilay ng wala sa oras. “Sa totoo lang Mr. Lozano ay para ikaw pa lang yata ang unang taong nagsabi niyan sa akin. Malabo ang mata niyo?” Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya gusto ng lalaki ngunit dahil sa katawan nito ay nahuhumaling ito at gusto niya itong matikman. Hindi na lamang niya titingnan ang pagmumukha nito at sa halip ay ang katawan na lang nito ang importante sa kaniya. Ano naman kung pangit ito kung mababawi naman sa katawan diba? Nang hindi gumagalaw si Ruby mula sa kanyang kinatatayuan ay bigla na lamang humakbang ang lalaki at hinawakan siya sa kanyang kamay pagkatapos ay hinila patung

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 24

    Kaagad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Ruby nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Kung ano-ano na naman pala ang iniisip nito patungkol sa kaniya at marahil iniisip nito na naroon na naman siya para makipagkita sa ibang lalaki.Iniabas niya ang kontratang dala niya na kailangan niya papirmahan kay Mr. Lozano at ipinakita rito ngunit kahit na anong pilit niya na basahin nito iyon ay mabilis itong tumanggi sa kaniya na para bang naniniwala na sa kaniya. Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos noon ngunit siya ay hindi nakatiis at nagsalita. “Naniniwala ka ba sa coincidence Tito? Palagi na lang tayong nagkikita ah.” sabi niya at hindi pa rin ito umimik.“Baka dahil may dahilan? Baka kasi ikaw talaga ang magiging daan para hindi na matuloy pa ang engagement naming dalawa ni Ethan? Baka ikaw talaga ang daan dahil kayang-kaya mong kausapin ang Daddy niya na hindi na ituloy ang kasal? Isa pa, alam niyo bang nagmamahalan naman talaga si Ethan at si Wendy? Mas bagay silang dalawa.”Nag-aa

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 23

    Napabuntong hininga na lamang si Ruby habang nakatingin sa labas ng restaurant kung saan ay malakas pa rin ang buhos ng ulan. Sa totoo lang ay ayaw niya naman talaga sanang sumama kay Ethan ngunit dahil nga sa mapilit ito ay napilitan lang siya at kahit na naroon na siya ay hindi siya papasok sa loob dahil tinatamad siya. Sa halip ay pupunta na lang siya sa hotel kung saan sila nakatakdang magkita ni Mr. Lozano para sa kontrata.Dahil nga kasama niyang nagpunta doon si Ethan kanina ay kailangan niya ngayong mag-taxi para pumunta sa hotel kung saan naroon si Mr. Lozano. Dahil sa lakas ng ulan, mukha yatang napaka imposible yata na pumara ng taxi. Bukod pa doon ay dahil wala siyang dalang payong ay hindi siya makatawid sa kabilang panig ng kalsada at ayaw niya namang mabasa lalo na at hawak niya na ang kontrata na papipirmahan niya kay Mr. Lozano. Hinihintay niyang tumila ang malakas na buhos ng ulan ngunit tila ba wala itong balak na tumigil. Ilang sandali pa ay may pamilyar na pigur

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 22

    Nang humapon ay muling sinubukan ni Ruby na tawagan si Mr. Lozano at nang mga oras na iyon sa wakas ay nag-ring na ang cellphone nito at sa sumunod na sandali ay sinagot na nito ang tawag. “Yes?” iyon ang kaagad na bumungad sa kaniya. “Oh, it's you Ruby. Bakit ka napatawag? Ayaw mo pa rin bang sumuko?” “Mr. Lozano, hindi ba at nakapag-usap na tayo ng maayos kagabi? Pumayag ka ng pirmahan ang kontrata pero bakit ngayon at tumanggi ka na naman?” “Ah iyon ba? Well, fine sige. Pero hindi ako pwede ngayon dahil busy ako.” mabilis na sagot nito sa kaniya.“Kailan ka pwede Mr. Lozano? Kahit na ako na mismo ang pumunta sayo mapirmahan lang ito.” sagot niya. Hindi siya papayag na hindi nito mapirmahan iyon.Sandali itong natahimik bago tuluyang sumagot. “Okay, sige. Mamayang gabi ay pwede ako.” sabi nito sakaniya. “Walang problema sa akin Mr. Lozano basta sabihin niyo lang sa akin kung saan ay pupunta ako dala ang kontrata.” Nang magkasundo silang dalawa ay nagpaalam na ito at hindi nagtag

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 21

    “Hindi mo na nga nagawang papirmahin si Mr. Lozano ay may gana ka pa talagang iganyan ang kapatid mo!” muling sigaw nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala talaga silang pinagkaiba ni Missy kaya nga magkaibigan silang dalawa e.“Wala kayong dapat alalahanin tungkol diyan. Akong bahala, papipirmahin ko siya.” kalamado pa ring sagot ni Ruby rito.Nagtagis ang mga bagang nito. “Bibigyan kita ng dalawang araw pa at kung hindi mo magawa, magpasensyahan na lang tayong dalawa Ruby.” Nagkibit balikat lang si Ruby. “Walang problema.” sabi niya at tumalikod na para lumabas ng opisina ng ama.Samantala, bigla namang humawak si Amelia sa balikat ng ama at ngumuso. “Dad, bakit hindi mo man lang siyang pinagalitan? Baka mamaya ay sinadya niya talagang hindi papirmahan si Mr. Lozano at wala siyang pakialam kung malugi man ang kumpanya. Isa pa, alam niyo naman na noon pa lang ay gusto na talaga niya itong pabagsakin hindi ba? Baka mamaya kaya niya ginagawa ang lahat ng ito ay para gumanti sa inyo at

  • Dumped by her Ex, Married her Ex's Ruthless Uncle   Kabanata 20

    Pagkatapos maluto ng niluluto ni Missy ay mabilis itong naghain at sabay silang dalawang kumain. Nang matikman niya ang niluto nito ay napangiti na lang siya at napuno ng kislap ang kanyang mga mata na nagsalita. “Masasabi ko na kung sinuman talaga ang mapapangasawa mo ay napakaswerte, napakasarap mong magluto!”Umingos lang naman si Missy sa aniya. “Tumigil ka nga sa pambobola mo Ruby.” sabi nito sa kaniya.Nagsalubong ang mga kilay niya. “Tapos ka na ab asa ginagawa mo kaya lumabas ka na sa lungga mo?” biglang tanong niya. Kapag kasi sobrang busy nito ay palagi lang itong nakakulong sa silid nito at hindi lumalabas. Bukod pa doon ay hindi man lang nito hawakan ang cellphone dahil talagang naka-focus ito sa ginagawa.Nang mabanggit niya iyon ay bigla na lang itong napanguso at masama ang tingin na ipinukol sa kaniya. “Grabe ka na talaga Ruby, parang hindi mo ako kaibigan ah?” sabi nito na may halong pagtatampo ang boses. “Bakit hindi mo man lang ako inimbitahan sa engagement party mo

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status