تسجيل الدخولKahit na anong gawing pakikipag-usap ni Tobi kay Ruby ay nanatiiling mabangis ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Wala nga yata talaga itong naririnig. Ilang sandali pa ay lumapit sa kaniya si Zachary. “Ako na ang bahala sa kaniya. Asikasuhin mo na lang ang mga taong ito.” malamig na utos nito sa kaniya. Naging malamig naman ang ekspresyon ni Tobi nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. “Ako lang ang tanging kilala ni Ruby sa ating dalawa at ayaw niya akong pakinggan kaya mas sigurado ako na hinding hindi ka rin niya pakikinggan.” walang ekspresyon na sagot niya rito.Napakunot naman ang noo ni Zach habang nakatingin kay Ruby. hawak nito ang kutsilyo habang dumudugo ang kamay nito. Yumuko siya at sinubukan niyang kuhanin mula dito ang kutsilyo ngunit hindi nito binitawan iyon. Mahigpit itong nakahawak sa kutsilyo. Nagtagis ang kanyang mga bagang. “Ruby, bitawan mo ang kutsilyo.” Nang marinig nito ang sinabi niya ay biglang nanginig ang buong katawan nito at nag-angat ng
May isang lalaki ang biglang dumating at mukhang sasakay din sa elevator. Hindi pinansin ni Tobi ito lalo na at hindi niya naman kilala ito. Maya-maya pa ay biglang nagsalita ang kausap nito sa telepono. Dahil nga naka loudspeaker ang cellphone ay rinig na rinig nila kung ano ang sinabi nito. “Ayos lang kaya ang lahat Mr. Marquez? Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.” “Ano ka ba. Wala kang dapat ipag-alala. Isa pa, si Mr. Lozano ang bahala. Tyaka tama lang din iyon dahil sa ginawa ng Ruby na iyon kay Mr. Lozano. Deserve niya ang bagay na iyon.” sagot nito at pagkatapos ay napahalakhak. “Pero napakarami nilang lalaki sa loob ng silid, makakaya kaya ng Ruby na iyon silang paligayahin lahat?” muling tanong ng lalaking nasa kabilang linya.“Hindi na natin iyon problema pa. Makaya niya o hindi ay labas na tayo. Tapos na ang trabaho natin.” Samantala, nang marinig ni Tobi at Zachary ang pangalan ni Ruby ay pareho silang natigilan. Kahit na pangalan lang nito ang nabanggit at
Isang paanyaya ang natanggap ni Ruby para sa isang dinner. Gusto daw ni Mr. Marquez na maging investor sa kanyang kumpanya at gusto daw siya nitong makausap kaya inimbitahan siya nitong mag-dinner sa isang hotel. Dahil medyo desperado si Ruby para sa inumpisahan niyang kumpanya ay kaagad siyang pumayag at nagtungo sa hotel na ibinigay sa kaniya. Pagdating niya sa lugar ay naging maganda naman ang daloy ng pag-uusap nila. Bukod pa doon ay kumain sila habang nag-uusap at uminom na rin ngunit habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ay biglang bumibigat ng bumibigat ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo siya at hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Marahil dahil sa pagod niya kaya nitong mga nakaraang araw? Napahilot siya sa kanyang sentido.Kaagad naman na napansin ng kausap niya na tila may problema siya. “Mukhang hindi yata maganda ang pakiramdam mo Miss Ruby, bakit hindi ka na lang muna magpahinga sa isa sa mga silid dito? Ikukuha kita ng kwarto.” concern na sabi nito sa kaniya ng
Nag-check in sina Ethan at Wendy sa kanilang karaniwang silid at pagpasok pa lang nila sa loob ay kaagad ng napansin ni Wendy na tila ba lutang pa rin ang isip ng lalaki. Tila ba iniisip pa rin nito ang tungkol sa pagpunta doon ni Ruby. Kahit na noong magbihis na siya ng sexy na pantulog ay parang wala pa rin itong epekto rito. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkabalisa ng wala sa oras. Bakit ba kailangan nitong isipin pa ang babaeng iyon e siya naman ang kasama nito? Dapat ay siya lang ang isipin nito at wala ng iba pa. “Ethan…” malambing na tawag niya rito.Nagpunta siya sa harapan nito at sinubukang akitin ang lalaki. Palagi itong tumitingin sa kaniya at kaagad na napupuno ng pagnanasa ang mga mata kapag ginagawa niya ang mga bagay na iyon ngunit ng mga oras na iyon ay parang wala itong nakikita na mas lalong ikinagalit niya. Para siyang hangin sa harapan nito ng mga oras na iyon. Dahil dito ay napatanong na siya. “May problema ba?” Nagtaas naman ng tingi
Hindi matanggap ni Ethan ang ipinapakitang kayabangan ni Ruby sa harap niya. Para siya nitong minamaliit at kung makipag-usap ito sa kaniya ay mayabang itong ekspresyon na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Hindi niya alam kung anong iniisip nito at kung bakit ganito siya nito itrato.“Pwede bang umalis ka na lang sa daraanan ko? Gusto ko ng umalis.” walang ekspresyon sabi ni Ruby dito. May mangilan-ngilang tao sa paligid at lumilingon na sa kanila. Ayaw niya ng magkaroon pa siya ng issue kaya ang umalis doon ang tanging gusto lang na gawin ni Ruby. wala siyang balak na makipag argumento pa sa lalaking nasa harapan niya. “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” naniningkit ang mga matang tanong niya pa ulit dito.“Ikaw ang dapat mahiya sa ginawa mo!” sagot nito sa kaniya na ikinakuyom lang ng mga kamay ni Ruby. talaga yatang sinusubok nito ang pasensya niya. “Hindi ako ang dapat mahiya kundi ikaw dahil wala akong ginagawang masama.” sagot niya at tuluyang nilampasan ito para umali
Alam ni Missy kung anong tipo ng lalaki ang gusto ng kaibigan niya. Tiyak na may nakita itong kakaiba sa lalaking iyon. Idagdag pa na nag-aalala lang siya para kay Ruby dahil mamaya ay baka lokohin lang ito ng kung sinong ponsyo pilatong iyon. Alam niya na ang mga lalaking madaming pera ay hindi dapat pagkatiwalaan. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Alam ko kung anong iniisip mo Missy at ako na ang nagsasabi sayo, wala kang dapat ipag-alala dahil alam ko kung hanggang saan lang kaming dalawa.” bahagya itong ngumiti sa kaniya.Alam ni Ruby ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ng lalaki. Kung tutuusin ay langit ito at lupa naman siya, napakalayo ng agwat nila kaya napaka imposible ng iniisip ng kanyang kaibigan. Idagdag pa na alam niyang hindi niya kayang tumagal sa kinaroroonan nito dahil hindi siya sanay. “Alam mo naman siguro ang mga pag-iisip ng mga lalaking mayamang hindi ba? Puro lang sila manloloko at higit sa lahat ay gagamitin
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay lumabas siya ng banyo at doon pa lang sa labas nito ay nakita na niya kaagad ang isang lalaking nakatayo doon at mukhang hinihintay siya. Ilang sandali pa ay inabot nito sa kaniya ang isang mainit na kape para daw sa hangover niya. Kaagad na napakunot an
Naging malamig ang mukha nito, kitang-kita niya rin kung paano gumalaw ang mukha nito. “Sinasadya mong akitin ako diba? At tyaka, sinadya mong tanggalin ang pagkakabuhol ng tuwalya sa beywang ko diba?” puno ng pang-uuyam na tanong nito sa kaniya.Napuno ng pagkalito ang mukha ni Ruby nang marinig a
Halos mapamura si Zach sa loob-loob niya dahil sa ginawa ng babae sa ilalim niya. Kaunti na lang ay mawawalan na talaga siya ng kontrol sa sarili niya. Isa pa, hindi ba nito sinasadya ang ginagawa? Sinasamantala ba nitong may ibang tao doon a hindi niya ito masaway?Mabilis niyang pinigilan ang kam
Hindi napigilan ni Ruby na kurutin ang lalaki dahil sa sinabi nito ngunit hindi siya naglakas ng loob na lakasan dito dahil baka gumalaw ang lalaki at mahuli siya. Samantala, ang ginawa ng babaeng nasa ilalim niya ay maihahambing niya sa kalmot ng isang pusa, hindi naman ito masakit bagkus ay nagb







