TAHIMIK SILA NOONG una. Pero kalaunan, umamin din naman sina Cassie at Lola Elizabeth. Itinuro nila si Hyacinth na natahimik na lang din. Pakiramdam niya, naiwan siya sa ere bigla."U-Uhh... naalala ko, may gagawin pa pala akong assignment! Mauuna na ako sa school!" saad bigla ni Cassie at matapos no'n, nauna na rin itong umalis."Hay... medyo late na rin. Kailangan ko ng umuwi. Mila... iuwi mo na nga ako," sabi rin ni Lola Elizabeth sa sekretarya ni Leo.At sa isang iglap, umalis na rin ang matanda. Ang tanging naiwan na lang ay sina Leo at Hyacinth. Maingat na tumingin si Hyacinth kay Leo na ngayon ay madilim pa rin ang ekspresyon."Uhm... aalis na rin ako," paalam ni Hyacinth at akmang aalis na rin sana pero mabilis nahuli ni Leo ang palapulsuhan niya at pinigilan siya."Sinabi ko na bang pwede ka ng umalis?" ani Leo, medyo malapit na sa tainga ni Hyacinth. Malalim at puno ng awtoridad ang boses nito na siyang nagpanginig sa tuhod ni Hyacinth."H-Hindi," nasagot na lang ni Hyacinth
Read more