HINAYAAN NI LEO si Hyacinth. Kasi para sa kaniya, kung ganito ang paraan para maibsan ang sama ng loob nito, edi ayos lang.Matapos ang ilang segundo, pinakawalan din naman siya ni Hyacinth. Namumula pa rin ang mga mata nito, halatang kagagaling sa pag iyak."M-Masakit ba?" tanong bigla ni Hyacinth.Hindi na alam ni Leo kung matatawa na lang ba siya o ano, eh. Kinagat siya nito kanina tapos tatanungin kung masakit, eh. Parang nanlambot lang ang puso ni Leo. Halatang concern na ito.Well, hindi naman ito masisisi ni Leo. Alam niyang may feelings sa kaniya si Hyacinth. Na attracted ito sa kaniya. At ewan ba niya, gusto niya ang katotohanang iyon.Gusto niya na may gusto sa kaniya si Hyacinth.Napailing na lang si Leo. "Hindi masakit..." saad niya sa babae.Napayakap na lang sa sarili si Hyacinth. "Maliligo na ako. Pwede ka ng lumabas," sabi niya kay Leo.Walang reklamong tunayo si Leo at lumabas din kalaunan. Pagkalabas ni Leo sa banyo ay siya namang lapit sa kaniya ni Mila."Sir, nandi
Read more