Share

CHAPTER 91: Coming

Author: YULIANNE
last update publish date: 2026-05-25 18:01:35

HINDI TALAGA MATAHIMIK si Lira sa mga nabasa. Kaya naman binuksan niya ang isang account niya at nagcomment din sa post.

@gorgeousgirly_: huy! hanggang kalingkingan lang sa paa ni Lira iyang babaeng iyan, ah. si Lira, maganda, mabait at magaling din sumayaw. madaming nagkakagusto sa kaniya at iyang babaeng iyan?! sino ba iyan? masyadong malayo siya kay Lira kaya 'wag niyo silang pinagcocompare!

Hindi pa nakuntento si Lira doon. Talagang ginamit niya rin ang isa pa niyang account at nireplyan an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
update po ulit
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
malalaman n nla kng cnu un.. haharap Kya c hyacinth. ..
goodnovel comment avatar
jennylyn rulloda
pupunta Ang lagendery doctor tpos Hindi alam nu hyacinth ...... SI shiana nanaman ngsabi non para makuha Ang atensyon para sabihn nya ngkumbinsi sa lagendary doctor hahahaaa kaloka matatawa nlng SI hya sa kahibangan no shiana. ...............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 93: Milktea

    "TINGNAN MO, NAGPUNTA AKO dito na ako lang. Hindi ako sumakay sa limousine ko at hindi rin ako nag ayos gaano para hindi masyadong makatawag ng pansin. Ayaw naman kitang istress'in masyado..." saad ni Lola Elizabeth.Talagang simpleng dress lang ang suot nito. Ang buhok ay maayos na nakapusod at kung titingnan, parang ordinaryong mamamayan lang siya at hindi galing sa mayamang pamilya. Nag effort pa talaga itong magdisguise para kay Hyacinth. Kaya hindi mapigilang matouched ni Hyacinth sa simpleng effort ng matanda.Niyakap ni Hyacinth ng mas mahigpit si Lola Elizabeth. Ang sarap lang sa pakiramdam na may Lola siyang kagaya niya. Hindi man niya ito direktang kadugo, pero talagang ramdam niyang mahal na mahal siya nito."Kumusta naman dito sa school mo, Hya? Nakapag adjust ka na ba? Ang pag aaral mo... kumusta rin? Maayos ba ang trato ng mga kaklase mo sa iyo? May mga kaibigan ka na ba?" sunod sunod na tanong ni Lola Elizabeth.Bago pa man makasagot si Hyacinth, nakalapit na si Cassie

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 92: Grandmother

    MAGING SI LEO AY nagbago rin ng bahagya ang ekspresyon. Kasi naman, dalawang beses na dapat niyang nakita ang legendary doctor na sinasabi nila pero hindi naman nangyari. Tapos ngayon, pupunta ito dito sa unibersidad?Naexcite na rin si Lira sa balita. "Totoo ba iyan, Doc?" tanong nito."Totoo iyon. Pupunta talaga siya dito at maglelecture din. Makikita na natin kung ano ba talaga ang itsura ng isang magaling na doctor," nakangiting sagot ni Shaina.Walang nakakaalam kung nasaan na talaga ang legendary doctor na idolo nila. Bigla na lang itong nawala ilang taon na ang nagdaan. Mysterious ito kaya naman lalo lang nacucurious ang mga tao."Doc, hindi ba mag apprentice kayo nung legendary doctor?" hindi mapigilang tanong ni Lira.Napangiti ng bahagya si Dr. Magalaman. Hindi niya maiwasang mapabalik bigla sa nakaraan."May kumalat noon na rare na sakit sa Middle East. Pinadala ako doon ng World Health Organization para tumulong nagdevelop ng vaccine. Sa mga panahon na iyon, may hindi ako

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 91: Coming

    HINDI TALAGA MATAHIMIK si Lira sa mga nabasa. Kaya naman binuksan niya ang isang account niya at nagcomment din sa post.@gorgeousgirly_: huy! hanggang kalingkingan lang sa paa ni Lira iyang babaeng iyan, ah. si Lira, maganda, mabait at magaling din sumayaw. madaming nagkakagusto sa kaniya at iyang babaeng iyan?! sino ba iyan? masyadong malayo siya kay Lira kaya 'wag niyo silang pinagcocompare!Hindi pa nakuntento si Lira doon. Talagang ginamit niya rin ang isa pa niyang account at nireplyan ang comment na nauna.@dancerist_bee: sa true, mhie! iyang babaeng iyan, puro tulog lang naman sa klase ang alam! mas better talaga si Lira diyan!Matapos no'n ay nagswitch na si Lira sa talagang gamit niyang account kung saan kilala ng lahat. Nagkunwari siya doong nang aawat.@LiraCantavieja: Hello, 'wag na po kayong mag aaway away. Maganda po si Hyacinth at walang kaso naman sa 'kin kung siya ang ituring niyong Queen Bee sa school.Iba't ibang personality, iba't ibang account. Iyon ang gawain ni

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 90: Threatened

    HINDI TALAGA IYON INAAKALA ni Axel. At ang mas nakakainis pa para sa kaniya ay parang wala lang iyon lahat kay Hyacinth.Ngayon, mas malakas na ang loob ni Hyacinth. Mas maganda na rin ang composure nito dahil nasa kaniya na ang upper hand.Nahampas na lang ni Director Bello ang mesa sa sobrang inis. "Ano na naman ito, Mr. Policarpio?! Ikaw naman pala ang nauna! Hinarass mo sila! Natalo ka sa away kaya ikaw na 'yung pavictim ngayon?!" asik nito.Hindi nakapagsalita si Axel doon. Napahiya siya bigla sa kagagawan niya.Naphalukipkip si Cassie habang may ngisi sa kaniyang labi. "Hmm... Director, parang mas okay kung hayaan na lang natin ang mga pulis na magsettle nito. Kasi kita mo naman, hindi ito basta basta lang..." wika nito.Nagpanic agad ang mga magulang ni Axel. Mabilis umiling ang mommy nito. "No! Wala pong maiinvolve na pulis dito! Hindi pwede!" saad nito, halos magmakaawa na. Kasi syempre, ayaw naman niyang magkaroon ng record ang anak niya doon.Tumaas ang kilay ni Hyacinth. "

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 89: Evidence

    "SALAMAT, PERO HINDI na kailangan," ani Hyacinth nang wala man lang pag aalinlangan.Napasimangot na lang si Leo. "Sige na. Tutulungan kita. Hindi sa gusto kong makialam sa problemang pinasok mo, ah..." saad nito."Edi, 'wag kang makialam!" sagot na lang ni Hyacinth. "Kasi simula noong umalis ako sa puder mo, dapat nawalan ka na rin ng pakialam sa akin no'n!"Biglang kumapal ang atmosphere doon. Agad na nandilim ang ekspresyon ni Leo dahil sa biglaang inis. Pero hindi naman natinag doon si Hyacinth. Talagang tinitigan niya si Leo na tila ba hinahamon niya ito."Ano? Kaya ka ba ganiyan sa 'kin ngayon kasi hindi ka napasaya ni Jasmine kagabi?" tanong pa ni Hyacinth. Hindi na niya alam kung may bahid ng pait ba sa boses niya o imahinasyon lang niya.Hindi pa rin nakasagot si Leo. Umigting lang ang panga nito nang magpatuloy pa talaga si Hyacinth sa pananalita."Mukhang nakuha mo naman na lahat ng gusto mo kay Jasmine, 'di ba? Kaya bakit mo pa ako pinapakialaman? Gusto mo ba akong tulunga

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 88: Compare

    DEREDERTSO IYON NA NASABI ni Leo. Hindi na siya nakapagpigil pa dahil sa inis niyang kanina pa pinipigilan. Talagang sumabog na siya sa harap ni Hyacinth.Napalunok na lang si Hyacinth at natahimik. Pero sa loob loob niya, nafrustrate na siya. Ni hindi man lang siya hinayaan ni Leo para makapag explain ng side niya. Sa mga mata nito, parang gulo na lang ang alam niyang gawin.Pero kung sabagay... sanay naman kasi ito sa prim at proper na si Jasmine.Itong malamig at nakaka intimidate na lalaki sa harapan ni Hyacinth ngayon... ibang iba kapag si Jasmine ang kaharap. Gentle at maalaga ito pagdating kay Jasmine. Pero pagdating kay Hyacinth... lagi itong galit at iritado. Parang wala na itong nagawang tama.Pero hindi na rin naman nakakapagtakha iyon kay Hyacinth. Syempre, si Jasmine lang naman ang gusto nito. At siya? Ayaw ni Leo sa kaniya.Nilunok ni Hyacinth ang tila bara sa lalamunan nito bago nagsalita. "Pasensya na kung nasayang ko lang ang oras mo dito."Parang natigilan si Leo doo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status