NATIGILAN ANG ILANG MGA TAUHAN ni Hawk habang napangisi na lang ito."Wow. Hindi ko naman inaasahan na nandito ang presidente ng kompaniya ng mga Cantavieja," saad pa nito."Boss, baka 'yung hinahanap nating tao, tumakbo na sa ibang direksyon. Dapat maghanap pa tayo," suhestyon ng isa sa mga tauhan ni Hawk.Sumang ayon na si Hawk. "Tara na," aya niya sa mga tauhan niya.Ilang saglit lang, umalis na nga ang mga ito. Doon lang tila nakapagrelax si Hyacinth at napabuga ng hininga."Wala na sila," ani Hyacinth.Binitawan na siya ni Leo dahil hawak nga siya nito kanina. "Ngayong wala ka na sa kapahamakan, itutulak mo na lang ako palayo bigla?" malamig na tanong nitong puno ng sarkasmo."Salamat sa pagtulong sa 'kin," ani Hyacinth. Kahit nakakainis naman si Leo, tinulungan pa rin naman siya nito.Hanggang doon lang dapat si Hyacinth. Tatalikod na sana siya at aalis na pero mabilis siyang naharangan ni Leo. Napasimangot na lang si Hyacinth."Leo, ano na naman ba 'tong ginagawa mo?" tanong ni
Read more