NAKARATING SILA SA BAR at mukhang nagkakasiyahan na ang lahat. At mukhang pinaglalaruan sila ng tadhana dahil ang pwesto na napili nila ay malapit sa pwesto nila Leo. Kasama ng lalaki sina Jasmine, Alfred at iba pang mga kaibigan nito.Nagkakasiyahan ang grupo nila Leo. Nakaupo ang lalaki sa pinaka sentro ng table nila at sa tabi nito ay si Jasmine na agaw pansin din dahil ang ganda ganda nito sa suot na dress. Ang sweet nilang tingnan sa totoo lang. Sinusubuan pa kasi ni Jasmine si Leo ng pulutan nila at inaasar na rin sila ng mga ibang kasama."Naks, ngumingiti na ang untouchable CEO na iyan, oh!""Syempre naman! Tingnan mo, si Jasmine na iyang katabi, oh!""Talagang mapapangiti ka kapag ang ganda ng katabi mo!"Ayaw man ni Hyacinth, naramdaman niya ang tila paninikip ng dibdib niya habang pinapanuod ang dalawa sa pwesto. Kung umakto kasi sila Leo at Jasmine, parang sila na lang ang tao sa mundo. Wala silang nakikitang iba.Nag iwas ng tingin si Hyacinth. Pero kalaunan, nagbago rin
Read more