ANMELDENNAGKAPALITAN NG MAKAHULUGANG tingin sina Jackie at Wilbert."Ginamit namin ang kompaniya natin as collateral for loan."Nagulat ang lahat doon. Kasi para na rin nilang sinabi na isinakripisyo nila ang buong kumpaniya nila! Kalmado pa rin doon si Seth pero nagsalita rin. "'Wag kayong mag alala. Hangga't ako ang nagmamanage, walang mangyayaring hindi maganda. 'Yung nainvest na pera ay madodoble o matitriple pa nga sa loob ng isang taon," pang aassure din niya. "Ibig sabihin lang no'n, mas yayaman pa si Shaina."Masyadong confident si Seth na talagang kuhang kuha niya ang buong pamilya. Paniwalang paniwala ang mga ito. Syempre naman, hindi na sila magdududa lalo pa at mismong legendary doctor na ang nagsalita. Hindi mo na kailangan pang pagdudahan ito.Naging interesado na rin sina Jasmine. Hindi na rin nito maiwasang mapatanong."Pwede rin ba akong mag invest?" tanong ni Jasmine."May sarili rin naman kaming company. Pwede rin naming gamitin iyon sa collateral for loan para mag invest,
PAKIRAMDAM NI LOLA Rebecca ay nasa pinakatuktok na siya ng mundo. Ang dalawa niyang paboritong apo ay tila nagdala ng malaking karangalan sa kanilang pamilya.Nagkatinginan sina Shaina at Jasmine. Ngumiti na lang sila sa isa't isa habang ang ibang myembro ng pamilya ay hindi na rin maitago ang tuwa.Samantala, si Hyacinth ay nanatili pa rin sa sulok. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga nangyayari. Ang mga kasiyahan ng pamilya... ang celebration nila... wala na lang sa kaniya. Dahil ang tanging taong may pakialam lang din sa kaniya noon ay ang kaniyang ama. Pero wala naman na ito. At ang masaklap, tila nakalimutan na ng buong pamilya nila na minsan ng nag exist ito.Hanggang sa ilang saglit lang, naramdaman ni Hyacinth ang pares ng matang nakatingin sa kaniya. Natagpuan niya si Leo na halatang nakatitig, hindi kalayuan sa direksyon niya.Napatanong na lang si Hyacinth sa sarili. Bakit naman ganito makatitig si Leo? Anong tinitingin tingin nito ngayon?Si Jasmine naman kasi ang sinam
NATIGILAN SI HYACINTH. "Anong klaseng tanong iyan, Rui?" tanong na niya lang sa lalaki.Sa loob loob ni Rui, alam naman na niya ang sagot ni Hyacinth kahit na hindi nito direktang sagutin iyon. Halatang halata naman ito."Ang akin lang... kilala ko si Leo. Hindi niya basta basta sisirain ang kung anong meron siya kay Jasmine ngayon..." kalmadong saad niya.Napatingin na lang sa baba si Hyacinth. "Alam ko naman iyon."Ilang saglit lang, nagring bigla ang phone ni Hyacinth. Tumatawag pala si Shaina. Agad niya itong sinagot."Hello, Shaina?""Hyacinth! Bumalik ka sa family house ngayong gabi. May family dinner tayo," mabilis na sagot ni Shaina, halatang excited din. Tatanggi na sana si Hyacinth doon dahil baka gulo na naman ang mapala niya doon at kung anu ano na namang salita ang marinig niya. Pero nang dugtungan ulit iyon ni Shaina, nagbago ang isip ni Hyacinth."Dadalhin ko doon ang legendary doctor. Kailangan mong pumunta."Nanliit ang mata ni Hyacinth bago sumagot. "Sige. Pupunta a
NANG HUMIGA NA SI HYACINTH sa kaniyang kama, kinuha niya ang kaniyang phone at hinanap ang message icon. Binuksan niya ang pangalan ni Leo doon at nagtipa ng mensahe para rito. Nag contemplate pa si Hyacinth kung itutuloy niya o hindi pero itinuloy din niya sa huli.Hyacinth: ['Thank you.']Dalawang salita lang naman iyon pero parang sobrang apektado ni Hyacinth. Pero nagulat naman siya nang ilang segundo lang ay nagtext na rin agad si Leo sa kaniya.Leo: ['Bakit ka nagtethank you?']Tumaas ang kilay ni Hyacinth. Alam naman nito ang tinutukoy niya kaya naman hindi na siya nag abalang reply'an ito. Pinatay na lang niya ang phone at inilagay ang phone sa ilalim ng unan. Kalaunan ay ipinikit na niya ang mga mata at natulog na.SA SUMUNOD NA ARAW, NAGPUNTA si Mona sa Cantavieja Group of Companies. Hindi naman siya nahirapang hanapin agad ang building dahil located iyon sa pinakasentro ng syudad. Matayog ang building na hindi maiwasang malula ni Mona.Naglakad papasok si Mona at tumungo sa
"'WAG MO AKONG HAWAKAN," asik ni Hyacinth at sinubukang lumayo kay Warren.Ang kaso nga lang, hindi naman siya nito pinakinggan. Mas nakakakilabot pa itong ngumiti. "Alam mo, kanina kaya ko pang maghintay at magpigil, eh. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya."Naalarma naman si Mona na nakarinig no'n. "B-Boss Warren, pakawalan niyo na po kami, parang awa niyo na! Mga bata pa po kami..." nagmamakaawang sambit nito."Tumahimik ka!" sigaw ni Warren at itinulak si Mona na lumapit nang bahagya sa kaniya.Malakas na tumama ang likod ni Mona sa pintuan ng kotse kaya nalukot na lang ang mukha nito."Mona!" nag aalalang sigaw na lang ni Hyacinth at sinubukang tulungan sana ang kaibigan pero pinigilan siya ni Warren at humarang sa kaniya.Sa mga oras na iyon, pasikretong kinuha ni Hyacinth ang maliliit niyang patalim na nakatago sa kaniyang katawan. Nawalan na siya ng choice. Ang balak niya kanina ay atakehin si Warren kapag nakarating na sila sa lugar kung saan sila nito dadalhin. Pero hindi n
IPINAGDASAL NA LANG NI HYACINTH na sana tumahimik na lang si Warren at 'wag ng magsalita. Pero talagang walang tigil ang bibig nitong kumuda."'Di ba nakakatawa? Talagang sinabi niyang siya si Mrs. Cantavieja!" dagdag pa ni Warren na siyang ikinatawa ng ibang businessman doon."Alam mo na... medyo bata bata pa ang nobya mo, Mr. Nunag. Minsan talaga may mga kakulitan pa sila na ipinapakita...""Kung sabagay, hindi mo rin naman siya masisisi. Kasi nga sino ba namang babae ang hindi papangarapin ang kagaya ni Mr. Cantavieja na mayaman at makapangyarihan?""Kaya nga! Kaya maraming nagkakagusto sa kaniya, eh!"Muli silang nagtawanan lahat. Nag init na lang ang pisngi ni Hyacinth sa sobrang kahihiyan.Ilang saglit lang, itinaas ni Warren ang kaniyang wine glass at binalingan si Leo. "Toast, Mr. Cantavieja?" alok ni Warren kay Leo.Wala namang sinabi si Leo. Nanatili lang nakaupo at walang reaksyon sa mukha pero hindi nakipagtoast kay Warren. Ngunit ang mga mata nito ay natagpuan si Hyacint
PARANG NABLANGKO ang isip ni Hyacinth bigla. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Leo. Oo, naghalikan na sila noonh una. Pero iba ang ngayon dahil si Leo mismo ang nagfirst move.Sinubukang itulak ni Hyacinth si Leo. "Ano ba, Leo!?" asik niya rito.Ngunit hindi natinag si Leo. Ipinagpatuloy niya an
MAKALIPAS ANG isa't kalahating oras, nakabalik na rin si Leo sa family house nila.Lumalalim na lalo ang gabi. At mas patagal nang patagal ang pag uwi ni Hyacinth. Hindi na maiwasan pang mag overthink ni Leo.Hindi niya naabutan ang sasakyan ni Rui kanina. Hindi na niya alam kung saan ito lumiko o
HINDI NA ALAM ni Hyacinth kung paanong umabot siya sa puntong nasa loob na siya ng sasakyan ni Rui. Syempre, dahil iyon sa kaibigang si Annika. Pinagbigyan na lang din niya ito dahil gusto na rin niya talagang umuwi.Pero habang nasa biyahe sila, kumunot ang noo nila nang makita ang isang Rolls Roy
AGAD NA NAKILALA ni Rui ang sumasayaw sa dance floor. Parang nahigit niya ang sariling hininga saglit.Samantala, si Jasmine naman ay bahagyang natigilan pagkakita kay Hyacinth sa dance floor. Naiinis siya sa sumasayaw na na si Hyacinth na para bang walang tao sa paligid nito kasama si Annika. Para







